Awit
Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. Nang magsugo si Saul, at binabantayan nila ang bahay, upang patayin siya.+
59 Iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, O Diyos ko;+
Ipagsanggalang mo nawa ako mula sa mga bumabangon laban sa akin.+
2 Sagipin mo ako mula sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+
At iligtas mo ako mula sa mga taong may pagkakasala sa dugo.
3 Sapagkat, narito! inaabangan nila ang aking kaluluwa;+
Dinadaluhong ako ng malalakas,+
Hindi dahil sa aking pagsalansang, ni sa anumang kasalanan ko, O Jehova.+
4 Bagaman walang kamalian, tumatakbo sila at naghahanda.+
Gumising ka sa aking pagtawag at tingnan mo.+
5 At ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel.+
Gumising ka upang ibaling ang iyong pansin sa lahat ng mga bansa.+
Huwag kang magpakita ng lingap sa sinumang mapanakit na mga traidor.+ Selah.
7 Narito! Pinabubukal nila ang kanilang bibig;+
Mga tabak ang nasa kanilang mga labi,+
Sapagkat sino ang nakikinig?+
9 O aking Kalakasan, mananatili akong nagbabantay sa iyo;+
Sapagkat ang Diyos ang aking matibay na kaitaasan.+
10 Ang Diyos ng maibiging-kabaitan sa akin ang siyang sasalubong sa akin;+
Pangyayarihin ng Diyos na pagmasdan ko ang aking mga kagalit.+
11 Huwag mo silang patayin, upang ang aking bayan ay hindi makalimot.+
Sa pamamagitan ng iyong kalakasan ay pagala-galain mo sila,+
At ibagsak mo sila, O aming kalasag na si Jehova,+
12 Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, ang salita ng kanilang mga labi;+
At mahuli nawa sila sa kanilang pagmamapuri,+
Dahil nga sa pagsumpa at sa panlilinlang na kanilang inuulit-ulit.
13 Sa pagngangalit ay pasapitin mo sila sa kawakasan;+
Pasapitin mo sila sa kawakasan, upang sila ay mawala;
At malaman nawa nila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob hanggang sa mga dulo ng lupa.+ Selah.
14 At pabalikin mo nawa sila sa kinagabihan;
Patahulin mo nawa silang gaya ng aso at palibutin mo sila sa lunsod.+
15 Pagala-galain mo nawa ang mga ito upang humanap ng makakain;+
Huwag mo nawa silang busugin o patuluyin sa buong magdamag.+