Awit
Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Awitin ni David.
8 O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa,+
Ikaw na ang dangal ay isinasalaysay sa ibabaw ng langit!+
2 Mula sa bibig ng mga bata at mga pasusuhin ay nagtatag ka ng lakas,+
Dahil doon sa mga napopoot sa iyo,+
Upang pahintuin ang kaaway at ang naghihiganti.+
3 Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri,+
Ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda,+
4 Ano ang taong mortal+ anupat iniingatan mo siya sa isipan,+
At ang anak ng makalupang tao anupat pinangangalagaan mo siya?+
6 Pinagpupuno mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay;+
Ang lahat ng bagay ay inilagay mo sa ilalim ng kaniyang mga paa:+
7 Mga tupa at kambing at mga barakong baka, ang lahat ng mga ito,+
At gayundin ang mga hayop sa malawak na parang,+
8 Ang mga ibon sa langit at ang isda sa dagat,+
Anumang dumaraan sa mga landas ng mga dagat.+
9 O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa!+