Awit
Para sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin.
2 Pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng iyong bayan;+
Tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan.+ Selah.
5 Magagalit ka ba sa amin hanggang sa panahong walang takda?+
Ipagpapatuloy mo ba ang iyong galit hanggang sa sali’t salinlahi?+
7 Ipakita mo sa amin, O Jehova, ang iyong maibiging-kabaitan,+
At ang iyong pagliligtas ay ibigay mo nawa sa amin.+
8 Pakikinggan ko ang sasalitain ng tunay na Diyos na si Jehova,+
Sapagkat magsasalita siya ng kapayapaan sa kaniyang bayan+ at sa kaniyang mga matapat,
Ngunit huwag nawa silang bumalik sa pagtitiwala sa sarili.+
9 Tiyak na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa mga may takot sa kaniya,+
Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa ating lupain.+
10 Kung tungkol sa maibiging-kabaitan at katapatan, sila ay nagsalubong;+
Ang katuwiran at ang kapayapaan—sila ay naghalikan.+
11 Ang katapatan ay sisibol mula sa mismong lupa,+
At ang katuwiran ay dudungaw mula sa mismong langit.+