Awit
Panalangin ni David.
2 O bantayan mo ang aking kaluluwa, sapagkat ako ay matapat.+
Iligtas mo ang iyong lingkod—ikaw ang aking Diyos—na nagtitiwala sa iyo.+
4 Pasayahin mo ang kaluluwa ng iyong lingkod,+
Sapagkat sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+
5 Sapagkat ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+
At ang maibiging-kabaitan sa lahat ng tumatawag sa iyo ay sagana.+
6 Makinig ka, O Jehova, sa aking panalangin;+
At magbigay-pansin ka sa tinig ng aking mga pamamanhik.+
9 Ang lahat ng mga bansa na ginawa mo ay darating,+
At yuyukod sila sa harap mo, O Jehova,+
At magbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan.+
10 Sapagkat ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay;+
Ikaw ang Diyos, ikaw lamang.+
11 Turuan mo ako, O Jehova, ng tungkol sa iyong daan.+
Lalakad ako sa iyong katotohanan.+
Pagkaisahin mo ang aking puso na matakot sa iyong pangalan.+
12 Pinupuri kita, O Jehova na aking Diyos, nang aking buong puso,+
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda,
13 Sapagkat malaki ang iyong maibiging-kabaitan sa akin,+
At iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol, sa pinakamababang dako nito.+
14 O Diyos, ang mga pangahas ay bumangon laban sa akin;+
At hinanap ng kapulungan ng mga mapaniil ang aking kaluluwa,+
At hindi ka nila inilagay sa harap nila.+
15 Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+
Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+