Oseas
9 “Huwag kang magsaya, O Israel.+ Huwag kang magalak na gaya ng mga bayan.+ Sapagkat sa pamamagitan ng pakikiapid ay umalis ka sa piling ng iyong Diyos.+ Inibig mo ang mga kaloob na upa sa lahat ng mga giikan ng butil.+ 2 Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi nagpapakain sa kanila,+ at ang matamis na alak man ay hindi nakasisiya sa kaniya.+ 3 Hindi sila mananatili sa pagtahan sa lupain ni Jehova,+ at ang Efraim ay babalik sa Ehipto,+ at sa Asirya ay kakain sila ng bagay na marumi.+ 4 Hindi na nila ipagbubuhos ng alak si Jehova.+ At ang kanilang mga hain ay hindi magiging kasiya-siya sa kaniya;+ ang mga iyon ay gaya ng tinapay sa mga panahon ng pagdadalamhati+ sa kanila; ang lahat ng kakain nito ay magpaparungis ng kanilang sarili. Sapagkat ang kanilang tinapay ay para sa kanilang sariling kaluluwa; hindi iyon papasok sa bahay ni Jehova.+ 5 Ano ang gagawin ninyo sa araw ng kapisanan at sa araw ng kapistahan ni Jehova?+ 6 Sapagkat, narito! yayaon sila dahil sa pananamsam.+ Titipunin sila ng Ehipto;+ ang Memfis+ naman ang maglilibing sa kanila. Kung tungkol sa kanilang mga kanais-nais na bagay na pilak, aariin ng mga kulitis ang mga iyon;+ ang matitinik na palumpong ay mapapasakanilang mga tolda.+
7 “Ang mga araw ng pagtutuon ng pansin ay darating;+ ang mga araw ng kaukulang bayad ay darating.+ Malalaman ito niyaong mga nagmula sa Israel.+ Ang propeta ay magiging mangmang,+ ang lalaking may kinasihang kapahayagan ay mababaliw dahil sa dami ng iyong kamalian,+ at maging ang matinding poot ay laganap.”
8 Ang bantay+ ng Efraim ay kasama noon ng aking Diyos.+ Kung tungkol sa propeta,+ may bitag ng isang manghuhuli ng ibon sa lahat ng kaniyang daan;+ may matinding poot sa bahay ng kaniyang Diyos. 9 Nagpakalulong sila sa panggigiba,+ gaya noong mga araw ng Gibeah.+ Aalalahanin niya ang kanilang kamalian;+ pagtutuunan niya ng pansin ang kanilang mga kasalanan.
10 “Nasumpungan ko ang Israel na gaya ng mga ubas sa ilang.+ Nakita ko ang inyong mga ninuno na gaya ng unang igos sa puno ng igos sa pasimula nito.+ Sila ay pumaroon kay Baal ng Peor,+ at inialay nila ang kanilang sarili sa kahiya-hiyang bagay,+ at sila ay naging kasuklam-suklam na gaya ng bagay na kanilang iniibig.+ 11 Kung tungkol sa Efraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lumilipad na parang isang lumilipad na nilalang,+ anupat walang panganganak, at walang tiyan na nagdadalang-tao at walang paglilihi.+ 12 Sapagkat palakihin man nila ang kanilang mga anak, uulilahin ko rin sila sa mga anak anupat mawawalan ng tao;+ sapagkat—sa aba rin nila kapag tinalikuran ko sila!+ 13 Ang Efraim, na nakita kong gaya ng Tiro na nakatanim sa isang pastulan,+ maging ang Efraim ay nakatalagang maglabas ng kaniyang mga anak sa isang pumapatay.”+
14 Ibigay mo sa kanila, O Jehova, kung ano ang dapat mong ibigay.+ Bigyan mo sila ng bahay-bata na nalalaglagan+ at mga susong nangunguluntoy.
15 “Ang lahat ng kanilang kasamaan ay nasa Gilgal,+ sapagkat doon ako napilitang mapoot sa kanila.+ Dahil sa kaimbihan ng kanilang mga pakikitungo ay palalayasin ko sila mula sa aking sariling bahay.+ Hindi ko na sila iibigin.+ Ang lahat ng kanilang mga prinsipe ay gumagawi nang may pagkasutil.+ 16 Ang Efraim ay ibabagsak.+ Ang kanila mismong ugat ay matutuyo.+ Wala silang bungang iluluwal.+ Gayundin, sakaling manganak sila, papatayin ko nga ang mga kanais-nais na bagay ng kanilang tiyan.”+
17 Itatakwil sila ng aking Diyos,+ sapagkat hindi sila nakinig sa kaniya,+ at sila ay magiging mga takas sa gitna ng mga bansa.+