Zacarias
14 “Narito! May araw na dumarating, na nauukol kay Jehova, + at ang samsam sa iyo ay tiyak na hahati-hatiin sa gitna mo. 2 At titipunin ko ang lahat ng mga bansa laban sa Jerusalem para sa digmaan; + at ang lunsod ay bibihagin + at ang mga bahay ay sasamsaman, at ang mga babae ay gagahasain. + At ang kalahati ng lunsod ay yayaon sa pagkatapon; + ngunit kung tungkol sa mga nalalabi sa bayan, + sila ay hindi mahihiwalay sa lunsod. +
3 “At si Jehova ay tiyak na lalabas at makikipagdigma laban sa mga bansang + iyon gaya ng araw ng kaniyang pakikidigma, ng araw ng labanan. + 4 At ang kaniyang mga paa ay tatayo sa araw na iyon sa ibabaw ng bundok ng mga punong olibo, na nasa tapat ng Jerusalem, sa silangan; + at ang bundok ng mga punong olibo + ay mabibiyak sa gitna nito, + mula sa sikatan ng araw at hanggang sa kanluran. Magkakaroon ng isang napakalaking libis; at ang kalahati ng bundok ay malilipat nga sa dakong hilaga, at ang kalahati nito ay sa dakong timog. 5 At tatakas kayo patungo sa libis ng aking mga bundok; + sapagkat ang libis ng mga bundok ay aabot hanggang sa Azel. At tatakas kayo, gaya ng pagtakas ninyo dahil sa lindol noong mga araw ni Uzias na hari ng Juda. + At si Jehova na aking Diyos ay darating, + at ang lahat ng mga banal ay kasama niya. +
6 “At mangyayari sa araw na iyon na hindi magkakaroon ng mahalagang liwanag +—ang mga bagay ay mamumuo. + 7 At iyon ay magiging isang araw na kilala bilang nauukol kay Jehova. + Hindi magiging araw, ni magiging gabi man; + at mangyayari nga na sa bandang gabi ay magliliwanag. + 8 At mangyayari sa araw na iyon na ang tubig na buháy + ay lalabas mula sa Jerusalem, + ang kalahati nito ay patungo sa silanganing dagat + at ang kalahati nito ay patungo sa kanluraning dagat. + Sa tag-araw at sa taglamig ay mangyayari ito. + 9 At si Jehova ay magiging hari sa buong lupa. + Sa araw na iyon si Jehova ay magiging iisa, + at ang kaniyang pangalan ay iisa. +
10 “Ang buong lupain ay magiging gaya ng Araba, + mula sa Geba + hanggang sa Rimon + sa dakong timog ng Jerusalem; at siya ay babangon at tatahanan sa kaniyang dako, + mula sa Pintuang-daan ng Benjamin + hanggang sa dako ng Unang Pintuang-daan, hanggang sa Panulukang Pintuang-daan, at mula sa Tore ng Hananel + hanggang sa mga pisaang tangke ng hari. 11 At tiyak na tatahanan siya ng mga tao; at hindi na magkakaroon ng pagtatalaga sa pagkapuksa, + at ang Jerusalem ay tatahanan nang tiwasay. +
12 “At ito ang salot na ipananalot ni Jehova sa lahat ng mga bayan na magsasagawa ng paglilingkod militar laban sa Jerusalem: + Mabubulok ang laman ng isa, habang nakatayo siya sa kaniyang mga paa; + at ang mismong mga mata ng isa ay mabubulok sa kanilang mga ukit, at ang mismong dila ng isa ay mabubulok sa kaniyang bibig.
13 “At mangyayari sa araw na iyon na ang kalituhan mula kay Jehova ay lalaganap sa gitna nila; + at susunggaban nga nila, ng bawat isa ang kamay ng kaniyang kasamahan, at ang kaniyang kamay ay itataas nga laban sa kamay ng kaniyang kasamahan. 14 At ang Juda rin mismo ay makikipagdigma doon sa Jerusalem; at ang yaman ng lahat ng mga bansa sa palibot ay tiyak na matitipon, ginto at pilak at mga kasuutan na labis-labis ang dami. +
15 “At magiging ganito ang salot sa kabayo, sa mula, sa kamelyo, at sa lalaking asno, at sa bawat uri ng alagang hayop na naroroon sa mga kampong iyon, katulad ng salot na ito.
16 “At mangyayari nga, kung tungkol sa lahat ng maiiwan mula sa lahat ng mga bansa na pumaparoon laban sa Jerusalem, + sila ay aahon din taun-taon + upang yumukod sa Hari, + si Jehova ng mga hukbo, + at upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga kubol. + 17 At mangyayari nga, kung tungkol sa sinuman mula sa mga pamilya + sa lupa na hindi aahon + sa Jerusalem upang yumukod sa Hari, si Jehova ng mga hukbo, sa kanila nga ay walang darating na buhos ng ulan. + 18 At kung ang pamilya ng Ehipto ay hindi aahon at hindi nga papasok, sa kanila rin ay walang darating. Ang salot ay magaganap na siyang ipananalot ni Jehova sa mga bansa na hindi aahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga kubol. 19 Ito nga ang magiging kaparusahan sa kasalanan ng Ehipto at sa kasalanan ng lahat ng mga bansa na hindi aahon upang ipagdiwang ang kapistahan ng mga kubol. +
20 “Sa araw na iyon ay mapapasa + mga kampanilya ng kabayo ‘Ang kabanalan ay kay Jehova!’ + At ang mga palayok + na maluwang ang bibig na nasa bahay ni Jehova ay magiging tulad ng mga mangkok + sa harap ng altar. + 21 At ang bawat palayok na maluwang ang bibig na nasa Jerusalem at nasa Juda ay magiging bagay na banal na nauukol kay Jehova ng mga hukbo, at ang lahat ng naghahain ay paroroon at kukuha mula sa mga iyon at pagpapakuluan ang mga iyon. + At hindi na magkakaroon pa ng Canaanita + sa bahay ni Jehova ng mga hukbo sa araw na iyon.” +