2 Tesalonica
3 Sa katapus-tapusan, mga kapatid, magpatuloy kayo sa pananalangin para sa amin,+ upang ang salita ni Jehova+ ay patuloy na kumilos nang mabilis+ at luwalhatiin gaya nga ng sa inyo; 2 at upang kami ay mailigtas mula sa mga taong mapaminsala at balakyot,+ sapagkat ang pananampalataya ay hindi taglay ng lahat ng tao.+ 3 Ngunit ang Panginoon ay tapat, at patatatagin niya kayo at iingatan kayo mula sa isa na balakyot.+ 4 Bukod diyan, may pagtitiwala+ kami sa Panginoon may kinalaman sa inyo, na ginagawa ninyo at patuloy na gagawin ang mga bagay na aming iniuutos.+ 5 Patuloy nawang matagumpay na patnubayan ng Panginoon ang inyong mga puso tungo sa pag-ibig+ sa Diyos at tungo sa pagbabata+ para sa Kristo.
6 Ngayon ay binibigyan namin kayo ng mga utos,+ mga kapatid, sa pangalan ng Panginoong Jesu-Kristo, na lumayo+ sa bawat kapatid na lumalakad nang walang kaayusan+ at hindi ayon sa tradisyon na inyong tinanggap mula sa amin.+ 7 Sapagkat alam ninyo kung paano ninyo kami dapat tularan,+ sapagkat hindi kami gumawi nang walang kaayusan sa gitna ninyo+ 8 ni kumain man kami ng pagkain mula sa sinuman nang walang bayad.+ Sa halip, sa pagtatrabaho at pagpapagal+ gabi at araw ay gumagawa kami upang hindi kami magpataw ng magastos na pasanin sa kaninuman sa inyo.+ 9 Hindi sa wala kaming awtoridad,+ kundi upang maiharap namin ang aming sarili bilang isang halimbawa sa inyo upang kami ay tularan.+ 10 Sa katunayan, noong kami rin ay kasama ninyo, ibinibigay namin sa inyo ang utos na ito:+ “Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho, huwag din naman siyang pakainin.”+ 11 Sapagkat naririnig namin na may mga lumalakad nang walang kaayusan+ sa gitna ninyo, na walang anumang ginagawa kundi nanghihimasok sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila.+ 12 Sa gayong mga tao ay ibinibigay namin ang utos at payo ng Panginoong Jesu-Kristo na sa paggawa nang may katahimikan ay dapat silang kumain ng pagkain na kanila mismong pinagpagalan.+
13 Sa ganang inyo, mga kapatid, huwag kayong manghimagod sa paggawa ng tama.+ 14 Ngunit kung ang sinuman ay hindi masunurin sa aming salita+ sa pamamagitan ng liham na ito, panatilihin ninyong markado+ ang isang ito, huwag na kayong makisama sa kaniya,+ upang siya ay mapahiya.+ 15 Gayunma’y huwag ninyo siyang ituring na kaaway, kundi patuloy na paalalahanan+ siya bilang isang kapatid.
16 Ngayon ang Panginoon ng kapayapaan ay lagi nawang magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng paraan.+ Sumainyo nawang lahat ang Panginoon.
17 Narito ang aking pagbati, ni Pablo, sa aking sariling kamay,+ na siyang tanda sa bawat liham; ganito ang paraan ko ng pagsulat.
18 Sumainyo nawang lahat ang di-sana-nararapat na kabaitan+ ng ating Panginoong Jesu-Kristo.