Josue
11 At nangyari nga, nang marinig ni Jabin na hari ng Hazor ang tungkol dito, siya ay nagsugo kay Jobab na hari ng Madon+ at sa hari ng Simron at hari ng Acsap,+ 2 at sa mga hari na nasa dakong hilaga sa bulubunduking pook at sa mga disyertong kapatagan sa timog ng Kineret+ at sa Sepela+ at sa mga tagaytay ng bundok ng Dor+ sa dakong kanluran, 3 ang mga Canaanita+ sa dakong silangan at kanluran, at ang mga Amorita+ at ang mga Hiteo+ at ang mga Perizita+ at ang mga Jebusita+ sa bulubunduking pook at ang mga Hivita+ sa paanan ng Hermon+ sa lupain ng Mizpa.+ 4 Kaya lumabas sila, sila at ang lahat ng kanilang mga kampo na kasama nila, isang bayan na sindami ng mga butil ng buhangin na nasa baybay-dagat dahil sa dami,+ at napakaraming mga kabayo+ at mga karong pandigma. 5 At ang lahat ng mga haring ito ay nagtagpo ayon sa pinagkasunduan nila at pumaroon at nagkampong sama-sama sa tubig ng Merom upang makipaglaban sa Israel.+
6 Dahil dito ay sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot dahil sa kanila,+ sapagkat bukas sa ganitong oras ay pababayaan ko silang lahat sa Israel upang mapatay. Ang kanilang mga kabayo ay pipilayin+ ninyo, at ang kanilang mga karo ay susunugin ninyo sa apoy.”+ 7 At si Josue at ang lahat ng mga taong mandirigma na kasama niya ay pumaroon nang biglaan laban sa kanila sa tubig ng Merom at dumaluhong sa kanila. 8 Sa gayon ay ibinigay sila ni Jehova sa kamay ng Israel,+ at sinaktan nila sila at tinugis sila hanggang sa mataong Sidon+ at sa Misrepot-maim+ at sa kapatagang libis ng Mizpe+ sa dakong silangan; at patuloy nilang sinaktan ang mga ito hanggang sa wala na silang naiwang isa mang buháy sa kanila.+ 9 Pagkatapos ay ginawa ni Josue sa kanila ang gaya ng sinabi ni Jehova sa kaniya: ang kanilang mga kabayo ay pinilay+ niya, at ang kanilang mga karo ay sinunog niya sa apoy.+
10 Higit pa riyan, bumalik si Josue nang panahong iyon+ at binihag ang Hazor;+ at ang hari nito ay pinabagsak niya sa pamamagitan ng tabak,+ sapagkat bago pa nito, ang Hazor ay siyang ulo ng lahat ng mga kahariang ito. 11 At ang bawat kaluluwang naroroon ay sinaktan nila sa pamamagitan ng talim ng tabak, na itinatalaga sila sa pagkapuksa.+ Walang anumang bagay na may hininga ang natira,+ at sinunog niya sa apoy ang Hazor. 12 At ang lahat ng mga lunsod ng mga haring ito at ang lahat ng kanilang mga hari ay binihag ni Josue at sinaktan niya sila sa pamamagitan ng talim ng tabak.+ Itinalaga niya sila sa pagkapuksa,+ gaya ng iniutos ni Moises na lingkod ni Jehova.+ 13 Tanging ang lahat ng mga lunsod na nakatayo sa kanilang sariling bunton ang hindi sinunog ng Israel, maliban lamang sa Hazor na sinunog ni Josue. 14 At ang lahat ng samsam sa mga lunsod na ito at ang mga alagang hayop ay dinambong ng mga anak ni Israel para sa kanilang sarili.+ Ang lahat ng mga tao lamang ang sinaktan nila sa pamamagitan ng talim ng tabak hanggang sa malipol nila sila.+ Hindi sila nag-iwan ng sinumang may hininga.+ 15 Kung ano ang iniutos ni Jehova kay Moises na kaniyang lingkod, gayon ang iniutos ni Moises kay Josue,+ at gayon ang ginawa ni Josue. Hindi siya nag-alis ng isa mang salita sa lahat ng iniutos ni Jehova kay Moises.+
16 At kinuha ni Josue ang buong lupaing ito, ang bulubunduking pook at ang buong Negeb+ at ang buong lupain ng Gosen+ at ang Sepela+ at ang Araba+ at ang bulubunduking pook ng Israel at ang Sepela+ nito, 17 mula sa Bundok Halak,+ na paahon sa Seir,+ at hanggang sa Baal-gad+ sa kapatagang libis ng Lebanon sa paanan ng Bundok Hermon,+ at binihag niya ang lahat ng kanilang mga hari at sinaktan niya sila at pinatay.+ 18 Maraming araw na nakipagdigma si Josue sa lahat ng mga haring ito. 19 Walang lunsod na nakipagpayapaan sa mga anak ni Israel maliban sa mga Hivita+ na tumatahan sa Gibeon.+ Ang lahat ng iba pa ay kinuha nila sa pamamagitan ng pakikipagdigma.+ 20 Sapagkat naging pamamaraan nga ni Jehova na hayaang magpakasutil+ ang kanilang mga puso anupat magdeklara ng digmaan laban sa Israel, nang sa gayon ay maitalaga niya sila sa pagkapuksa, upang hindi sila tumanggap ng anumang paglingap,+ kundi malipol nga niya sila, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+
21 Karagdagan pa, nang mismong panahong iyon ay humayo si Josue at nilipol ang mga Anakim+ mula sa bulubunduking pook, mula sa Hebron, mula sa Debir, mula sa Anab+ at mula sa buong bulubunduking pook ng Juda at mula sa buong bulubunduking pook ng Israel.+ Itinalaga sila ni Josue sa pagkapuksa kasama ng kanilang mga lunsod.+ 22 Walang Anakim ang natira sa lupain ng mga anak ni Israel. Tanging sa Gaza,+ sa Gat+ at sa Asdod+ sila nanatili.+ 23 Kinuha nga ni Josue ang buong lupain, ayon sa lahat ng ipinangako ni Jehova kay Moises,+ at pagkatapos ay ibinigay iyon ni Josue sa Israel bilang mana ayon sa kani-kanilang bahagi, ayon sa kani-kanilang tribo.+ At ang lupain ay hindi na niligalig ng digmaan.+