Josue
10 At nangyari nga, nang marinig ni Adoni-zedek na hari ng Jerusalem na nabihag ni Josue ang Ai+ at pagkatapos ay itinalaga ito sa pagkapuksa,+ na kung ano ang ginawa niya sa Jerico+ at sa hari+ nito ay gayon ang ginawa niya sa Ai at sa hari+ nito, at na ang mga tumatahan sa Gibeon ay nakipagpayapaan sa Israel+ at nananatili sa gitna nila, 2 lubha siyang natakot,+ sapagkat ang Gibeon ay isang dakilang lunsod, tulad ng isa sa mga maharlikang lunsod, at sapagkat ito ay mas dakila kaysa sa Ai,+ at ang lahat ng mga lalaki nito ay mga makapangyarihan. 3 Kaya si Adoni-zedek na hari ng Jerusalem+ ay nagsugo kay Hoham na hari ng Hebron+ at kay Piram na hari ng Jarmut+ at kay Japia na hari ng Lakis+ at kay Debir na hari ng Eglon,+ na sinasabi, 4 “Umahon kayo sa akin at tulungan ninyo ako at saktan natin ang Gibeon, sapagkat nakipagpayapaan ito kay Josue at sa mga anak ni Israel.”+ 5 Kaya sila ay nagtipon at umahon, limang hari ng mga Amorita,+ ang hari ng Jerusalem, ang hari ng Hebron, ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis, ang hari ng Eglon, ang mga ito at lahat ng kanilang mga kampo, at sila ay nagkampo laban sa Gibeon at nakipagdigma laban dito.
6 Sa gayon ay nagsugo ang mga lalaki ng Gibeon kay Josue sa kampo sa Gilgal,+ na sinasabi: “Huwag magmabagal ang iyong kamay sa iyong mga alipin.+ Umahon ka sa amin nang madali at iligtas mo kami at tulungan mo kami, sapagkat ang lahat ng mga hari ng mga Amorita na tumatahan sa bulubunduking pook ay nagpisan laban sa amin.” 7 Kaya umahon si Josue mula sa Gilgal, siya at ang lahat ng mga taong mandirigma na kasama niya+ at ang lahat ng magigiting at makapangyarihang mga lalaki.+
8 Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Josue: “Huwag kang matakot sa kanila,+ sapagkat sa iyong kamay ay ibinigay ko na sila.+ Walang isa mang lalaki sa kanila ang tatayo laban sa iyo.”+ 9 At pumaroon si Josue nang biglaan laban sa kanila. Buong gabi siyang umahon mula sa Gilgal. 10 At nilito sila ni Jehova sa harap ng Israel,+ at pinasimulan nilang patayin sila sa isang lansakang pagpatay sa Gibeon+ at tinugis sila sa daan ng sampahan ng Bet-horon at pinagpapatay sila hanggang sa Azeka+ at Makeda.+ 11 At nangyari nga na habang tumatakas sila mula sa harap ng Israel at nasa dakong palusong sa Bet-horon, si Jehova ay nagpabagsak sa kanila ng malalaking bato+ mula sa langit hanggang sa Azeka, anupat namatay sila. Mas marami ang namatay sa mga batong graniso kaysa sa mga napatay ng mga anak ni Israel sa pamamagitan ng tabak.
12 Noon nga ay nagsalita si Josue kay Jehova nang araw na pabayaan ni Jehova ang mga Amorita sa mga anak ni Israel, at sinabi niya sa paningin ng Israel:
“Araw,+ huminto ka sa Gibeon,+
At, buwan, sa mababang kapatagan ng Aijalon.”+
13 At ang araw ay nanatiling nakahinto, at ang buwan ay tumigil, hanggang sa makapaghiganti ang bansa sa mga kaaway nito.+ Hindi ba ito nakasulat sa aklat ni Jasar?+ At ang araw ay nanatiling nakatigil sa gitna ng langit at hindi nagmadaling lumubog nang isang buong araw.+ 14 At wala pang araw ang naging katulad ng isang iyon, bago pa nito o pagkatapos nito, anupat nakinig si Jehova sa tinig ng tao,+ sapagkat si Jehova ang nakipaglaban para sa Israel.+
15 Pagkatapos ay bumalik si Josue at ang buong Israel na kasama niya sa kampo sa Gilgal.+
16 Samantala ay tumakas ang limang haring ito+ at nagtago sa yungib sa Makeda.+ 17 At may ulat na isinaysay kay Josue, na nagsasabi: “Ang limang hari ay nasumpungang nakatago sa yungib sa Makeda.”+ 18 Sa gayon ay sinabi ni Josue: “Magpagulong kayo ng malalaking bato sa bunganga ng yungib at mag-atas kayo roon ng mga lalaki upang magbantay sa kanila. 19 Sa ganang inyo, huwag kayong tumigil. Habulin ninyo ang inyong mga kaaway, at saktan ninyo sila sa hulihan.+ Huwag ninyo silang pahintulutang makapasok sa kanilang mga lunsod, sapagkat ibinigay na sila ni Jehova na inyong Diyos sa inyong mga kamay.”+
20 At nangyari nga, matapos silang patayin ni Josue at ng mga anak ni Israel sa isang lubhang lansakang pagpatay, hanggang sa sumapit ang mga ito sa kanilang kawakasan,+ at yaong mga nakaligtas sa kanila ay makatakas at makapasok sa mga nakukutaang lunsod,+ 21 ang buong bayan nga ay bumalik na sa kampo, kay Josue, sa Makeda nang payapa. Walang isa mang tao ang may-pananabik na naggalaw ng kaniyang dila laban sa mga anak ni Israel.+ 22 Sa gayon ay sinabi ni Josue: “Buksan ninyo ang bunganga ng yungib at ilabas ninyo sa akin ang limang haring ito mula sa yungib.” 23 At gayon ang ginawa nila at inilabas nila sa kaniya mula sa yungib ang limang haring ito, ang hari ng Jerusalem,+ ang hari ng Hebron,+ ang hari ng Jarmut, ang hari ng Lakis,+ ang hari ng Eglon.+ 24 At nangyari nga na nang mailabas nila kay Josue ang mga haring ito, tinawag ni Josue ang lahat ng mga lalaki ng Israel at sinabi sa mga kumandante ng mga lalaking mandirigma na sumama sa kaniya: “Lumapit kayo. Ilagay ninyo ang inyong mga paa sa mga batok ng mga haring ito.”+ Kaya lumapit sila at inilagay ang kanilang mga paa sa mga batok ng mga iyon.+ 25 At sinabi ni Josue sa kanila: “Huwag kayong matakot o masindak.+ Magpakalakas-loob kayo at magpakatibay, sapagkat ganito ang gagawin ni Jehova sa lahat ng inyong mga kaaway na dinidigma ninyo.”+
26 At pagkatapos nito ay sinaktan sila ni Josue at pinatay sila at ibinitin sila sa limang tulos, at nanatili silang nakabitin sa mga tulos hanggang sa kinagabihan.+ 27 At nangyari nga na sa oras ng paglubog ng araw ay nag-utos si Josue, at ibinaba nila ang mga ito mula sa mga tulos+ at inihagis sa yungib na pinagtaguan nila. Pagkatapos ay naglagay sila ng malalaking bato sa bunganga ng yungib—hanggang sa mismong araw na ito.
28 At binihag ni Josue ang Makeda+ nang araw na iyon at sinaktan ito sa pamamagitan ng talim ng tabak. Kung tungkol sa hari nito, itinalaga niya ito at ang bawat kaluluwang naroroon sa pagkapuksa.+ Wala siyang iniwang buháy. Ginawa nga niya sa hari ng Makeda+ ang gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
29 Nang magkagayon ay yumaon si Josue at ang buong Israel na kasama niya mula sa Makeda patungo sa Libna at nakipagdigma laban sa Libna.+ 30 At ito rin at ang hari nito ay ibinigay ni Jehova sa kamay ng Israel, at sinaktan nila iyon at ang bawat kaluluwang naroroon sa pamamagitan ng talim ng tabak. Hindi sila nag-iwan doon ng isa mang buháy. Ginawa nga nila sa hari nito ang gaya ng ginawa nila sa hari ng Jerico.+
31 Pagkatapos nito ay yumaon si Josue at ang buong Israel na kasama niya mula sa Libna patungo sa Lakis+ at nagkampo laban dito at nakipagdigma rito. 32 At ibinigay ni Jehova ang Lakis sa kamay ng Israel anupat nabihag nila ito nang ikalawang araw, at sinaktan nila ito at ang bawat kaluluwang naroroon sa pamamagitan ng talim ng tabak,+ ayon sa lahat ng ginawa nila sa Libna.
33 Noon nga ay umahon si Horam na hari ng Gezer+ upang tulungan ang Lakis. Kaya siya at ang kaniyang bayan ay sinaktan ni Josue hanggang sa wala na siyang naiwang buháy+ sa kaniya.
34 Nang magkagayon ay yumaon si Josue at ang buong Israel na kasama niya mula sa Lakis patungo sa Eglon+ at nagkampo laban dito at nakipagdigma laban dito. 35 At nabihag nila ito nang araw na iyon at pinasimulan itong saktan sa pamamagitan ng talim ng tabak, at itinalaga nila sa pagkapuksa ang bawat kaluluwang naroroon nang araw na iyon, ayon sa lahat ng ginawa nila sa Lakis.+
36 Nang magkagayon ay umahon si Josue at ang buong Israel na kasama niya mula sa Eglon patungo sa Hebron+ at nagsimulang makipagdigma laban dito. 37 At nabihag nila ito at sinaktan ito at ang hari nito at ang lahat ng mga bayan nito at ang bawat kaluluwang naroroon sa pamamagitan ng talim ng tabak. Hindi siya nag-iwan ng isa mang buháy, ayon sa lahat ng ginawa niya sa Eglon. Itinalaga nga niya ito at ang bawat kaluluwang naroroon sa pagkapuksa.+
38 Nang maglaon si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir+ at nagsimulang makipagdigma laban dito. 39 At nabihag niya ito at ang hari nito at ang lahat ng mga bayan nito, at sinaktan nila ang mga ito sa pamamagitan ng talim ng tabak at itinalaga sa pagkapuksa ang bawat kaluluwang naroroon.+ Hindi siya nag-iwan ng isa mang buháy.+ Kung ano ang ginawa niya sa Hebron, gayon ang ginawa niya sa Debir at sa hari nito, na gaya ng ginawa niya sa Libna at sa hari nito.+
40 At sinaktan ni Josue ang buong lupain ng bulubunduking pook+ at ang Negeb+ at ang Sepela+ at ang mga dalisdis+ at ang lahat ng kanilang mga hari. Hindi siya nag-iwan ng isa mang buháy, at ang lahat ng bagay na humihinga+ ay itinalaga niya sa pagkapuksa,+ gaya ng iniutos ni Jehova na Diyos ng Israel.+ 41 At sinaktan sila ni Josue mula sa Kades-barnea+ hanggang sa Gaza+ at sa buong lupain ng Gosen+ at hanggang sa Gibeon.+ 42 At binihag ni Josue ang lahat ng mga haring ito at ang kanilang lupain sa iisang pagkakataon,+ sapagkat si Jehova na Diyos ng Israel ang nakipaglaban para sa Israel.+ 43 Pagkatapos nito ay bumalik si Josue at ang buong Israel na kasama niya sa kampo sa Gilgal.+