1 Pedro
1 Si Pedro, isang apostol+ ni Jesu-Kristo, sa mga pansamantalang naninirahan+ na nakapangalat+ sa Ponto, Galacia, Capadocia,+ Asia, at Bitinia, sa mga pinili+ 2 ayon sa patiunang kaalaman ng Diyos na Ama,+ na may pagpapabanal ng espiritu,+ upang sila ay maging masunurin at mawisikan+ ng dugo ni Jesu-Kristo:+
Lumago nawa sa inyo ang di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan.+
3 Pagpalain nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo,+ sapagkat ayon sa kaniyang dakilang awa ay binigyan niya tayo ng isang bagong pagsilang+ tungo sa isang buháy na pag-asa+ sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli+ ni Jesu-Kristo mula sa mga patay, 4 tungo sa isang walang-kasiraan at walang-dungis at walang-kupas na mana.+ Ito ay nakataan sa langit para sa inyo,+ 5 na iniingatan ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya+ ukol sa isang kaligtasan+ na handa nang isiwalat+ sa huling yugto ng panahon.+ 6 Sa bagay na ito ay labis kayong nagsasaya, bagaman sa loob ng kaunting panahon sa kasalukuyan, kung mangyari man, ay pinipighati kayo ng iba’t ibang pagsubok,+ 7 upang ang subok na katangian ng inyong pananampalataya,+ na mas malaki ang halaga kaysa sa ginto na nasisira sa kabila ng pagkasubok dito ng apoy,+ ay masumpungang dahilan ukol sa kapurihan at kaluwalhatian at karangalan sa pagkakasiwalat+ kay Jesu-Kristo. 8 Bagaman hindi ninyo siya nakita, iniibig ninyo siya.+ Bagaman hindi ninyo siya nakikita sa kasalukuyan, gayunma’y nananampalataya kayo sa kaniya at labis na nagsasaya taglay ang di-mabigkas at niluwalhating kagalakan, 9 habang tinatanggap ninyo ang wakas ng inyong pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong mga kaluluwa.+
10 May kinalaman sa mismong kaligtasang ito ay isang masikap na pagsisiyasat at isang maingat na pagsasaliksik+ ang ginawa ng mga propeta na nanghula+ tungkol sa di-sana-nararapat na kabaitan na nauukol sa inyo.+ 11 Patuloy nilang sinuri kung alin ngang kapanahunan+ o kung anong uri ng kapanahunan ang ipinahihiwatig ng espiritu+ na nasa kanila may kinalaman kay Kristo+ nang ito ay nagpapatotoo nang patiuna tungkol sa mga pagdurusa para kay Kristo+ at tungkol sa mga kaluwalhatian+ na kasunod ng mga ito. 12 Isiniwalat sa kanila na, hindi sa kanilang sarili,+ kundi sa inyo, ipinaglilingkod nila ang mga bagay na sa ngayon ay ipinatalastas+ sa inyo sa pamamagitan niyaong mga nagpahayag ng mabuting balita sa inyo taglay ang banal na espiritu+ na ipinadala mula sa langit. Sa mismong mga bagay na ito ay nagnanasang magmasid ang mga anghel.+
13 Kaya nga bigkisan ninyo ang inyong mga pag-iisip ukol sa gawain,+ panatilihing lubos ang inyong katinuan;+ ilagak ang inyong pag-asa sa di-sana-nararapat na kabaitan+ na dadalhin sa inyo sa pagkakasiwalat+ kay Jesu-Kristo. 14 Bilang masunuring mga anak, huwag na kayong magpahubog+ ayon sa mga pagnanasa na dati ninyong taglay sa inyong kawalang-alam, 15 kundi, ayon sa Isa na Banal na tumawag sa inyo, kayo rin mismo ay magpakabanal sa lahat ng inyong paggawi,+ 16 sapagkat nasusulat: “Magpakabanal kayo, sapagkat ako ay banal.”+
17 Karagdagan pa, kung tumatawag kayo sa Ama na humahatol nang walang pagtatangi+ ayon sa gawa ng bawat isa, gumawi kayo nang may takot+ sa panahon ng inyong paninirahan bilang dayuhan.+ 18 Sapagkat alam ninyo na hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira,+ sa pamamagitan ng pilak o ginto, na kayo ay iniligtas+ mula sa inyong walang-bungang anyo ng paggawi na tinanggap sa pamamagitan ng tradisyon mula sa inyong mga ninuno. 19 Kundi iyon ay sa pamamagitan ng mahalagang dugo,+ tulad niyaong sa walang-dungis at walang-batik na kordero,+ kay Kristo+ mismo. 20 Totoo, siya ay patiunang nakilala bago pa ang pagkakatatag+ ng sanlibutan, ngunit siya ay inihayag sa wakas ng mga panahon alang-alang sa inyo+ 21 na sa pamamagitan niya ay mga mananampalataya sa Diyos,+ ang isa na nagbangon sa kaniya mula sa mga patay+ at nagbigay sa kaniya ng kaluwalhatian;+ upang ang inyong pananampalataya at pag-asa ay maging sa Diyos.+
22 Ngayong dinalisay+ na ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng inyong pagkamasunurin sa katotohanan na ang resulta ay walang-pagpapaimbabaw na pagmamahal na pangkapatid,+ ibigin ninyo ang isa’t isa nang masidhi mula sa puso.+ 23 Sapagkat binigyan na kayo ng isang bagong pagsilang,+ hindi sa pamamagitan ng nasisira,+ kundi ng walang-kasiraang+ binhi sa pag-aanak,+ sa pamamagitan ng salita+ ng buháy at namamalaging+ Diyos. 24 Sapagkat “ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kaluwalhatian nito ay tulad ng bulaklak ng damo;+ ang damo ay nalalanta, at ang bulaklak ay nalalagas,+ 25 ngunit ang pananalita ni Jehova ay namamalagi magpakailanman.”+ Buweno, ito ang “pananalita,”+ ito na siyang ipinahayag+ sa inyo bilang mabuting balita.