Job
36 Sinabi pa ni Elihu:
2 “Pagtiisan mo pa ako nang kaunti habang nagpapaliwanag ako,
Dahil may sasabihin pa ako sa ngalan ng Diyos.
3 Detalyado kong sasabihin ang lahat ng nalalaman ko,
At ihahayag ko ang pagiging matuwid ng aking Maylikha.+
6 Ang masasama ay hindi niya pananatilihing buháy,+
Pero ang mga nagdurusa ay binibigyan niya ng katarungan.+
7 Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa mga matuwid;+
Iniluluklok niya sila bilang hari,*+ at dadakilain sila magpakailanman.
8 Pero kapag naigapos sila ng kadena
At nabihag ng mga lubid ng pagdurusa,
9 Ipinaaalam niya sa kanila kung ano ang nagawa nila,
Ang mga kasalanang bunga ng pagmamataas nila.
10 Binubuksan niya ang mga tainga nila para makinig sa pagtutuwid
At sinasabing tumalikod sila sa paggawa ng masama.+
11 Kung susunod sila at maglilingkod sa kaniya,
Mapapabuti sila habambuhay,
At magiging payapa ang mga taon nila.+
13 Ang mga di-makadiyos* ay nagkikimkim ng galit.
Hindi sila humihingi ng tulong kahit iginapos niya sila.
15 Pero inililigtas ng Diyos* ang mga naaapi sa panahong nagdurusa sila;
Binubuksan niya ang pandinig nila kapag pinahihirapan sila.
16 Inilalayo ka niya mula sa paghihirap+
At dinadala sa malawak na lugar, kung saan magiging malaya ka,+
At ang iyong mesa ay pinupuno ng masasarap na pagkain para masiyahan ka.+
18 Pero mag-ingat ka para hindi ka makasakit* dahil sa galit,+
At huwag mong hayaang iligaw ka ng malaking suhol.
20 Huwag mong panabikan ang gabi,
Kung kailan naglalaho ang mga tao sa kinaroroonan nila.
22 Tingnan mo! Ang Diyos ay naluluwalhati dahil sa kapangyarihan niya;
Sino ang tagapagturong gaya niya?
23 May umaakay ba sa kaniya?*+
O may nagsasabi ba sa kaniya, ‘Mali ang ginawa mo’?+
25 Nakita iyon ng buong sangkatauhan;
Nakikita iyon ng taong mortal mula sa malayo.
27 Tinitipon niya paitaas ang mga patak ng tubig;+
Namumuo ang manipis na ulap para maging ulan;
28 Ibinabagsak iyon ng mga ulap+
At bumubuhos sa sangkatauhan.
30 Tingnan mo kung paano siya nagpapakidlat*+ sa ibabaw nito
At kung paano niya tinatakpan ang kalaliman* ng dagat.