Job
7 “Hindi ba ang buhay ng taong mortal sa lupa ay gaya ng sapilitang pagtatrabaho,
At ang mga araw niya ay gaya ng sa upahang trabahador?+
2 Gaya ng alipin, gustong-gusto niya ng lilim,
At gaya ng upahang trabahador, hinihintay niya ang suweldo niya.+
3 Kaya sa loob ng maraming buwan ay naging walang kabuluhan ang buhay ko,
At maraming gabi na akong nagdurusa.+
4 Itinatanong ko kapag humihiga ako, ‘Kailan ako babangon?’+
Pero napakahaba ng gabi at hindi ako nakakatulog* hanggang sa magbukang-liwayway.
6 Ang paglipas ng mga araw ko ay mas mabilis pa sa pag-ikot ng panghabi,+
At nagwawakas ang mga iyon sa kawalang-pag-asa.+
7 Alalahanin mong ang buhay ko ay maikli,*+
Na hindi na muling makakakita ng kaligayahan* ang mata ko.
8 Hindi na ako muling makikita ng matang nakakakita sa akin ngayon;
Hahanapin ako ng mga mata mo, pero wala na ako.+
9 Gaya ng ulap na unti-unting naglalaho at tuluyang nawawala,
11 Kaya hindi ko pipigilan ang bibig ko.
Magsasalita ako dahil sa sakit na nadarama ng puso* ko;
Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!+
12 Ako ba ang dagat o isa ba akong malaking hayop sa dagat
Kaya kailangan mo pa akong pabantayan?
13 Nang sabihin ko, ‘Aaliwin ako ng higaan ko;
Maiibsan ng kama ko ang pagdurusa ko,’
14 Sinindak mo naman ako ng mga panaginip
At tinakot ng mga pangitain,
16 Kinamumuhian ko ang buhay ko;+ ayoko nang mabuhay pa.
Iwan mo na ako, dahil gaya lang ng hininga ang mga araw ko.+
19 Puwede mo bang alisin ang tingin mo sa akin
At pabayaan ako para malunok ko man lang ang laway ko?+
20 Kung nagkasala ako, ano ba ang epekto nito sa iyo, ang Tagapagmasid ng sangkatauhan?+
Bakit mo ako pinupuntirya?
Naging pabigat ba ako sa iyo?
21 Bakit hindi mo pinatatawad ang kasalanan ko
At pinalalampas ang pagkakamali ko?
Dahil malapit na akong humiga sa alabok,+
At hahanapin mo ako, pero wala na ako.”