Job
9 Sumagot si Job:
2 “Alam kong tama ang sinabi mo.
Pero paano magiging tama ang isang taong mortal kung ang Diyos ang kalaban niya sa usapin?+
4 Marunong siya* at makapangyarihan.+
Sino ang makalalaban sa kaniya nang hindi nasasaktan?+
5 Naililipat* niya ang mga bundok nang hindi namamalayan ng sinuman;
Ibinabaligtad niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit.
7 Inuutusan niya ang araw na huwag sumikat
At tinatakpan ang liwanag ng mga bituin;+
8 Mag-isa niyang inilalatag ang langit,+
At tinutuntungan niya ang matataas na alon sa dagat.+
9 Ginawa niya ang mga konstelasyon ng Ash,* Kesil,* at Kima,*+
At ang mga konstelasyon ng kalangitan* sa timog;
10 Gumagawa siya ng dakila at di-masaliksik na mga bagay,+
Kamangha-manghang mga bagay na hindi mabilang.+
11 Dumadaan siya sa tabi ko, pero hindi ko siya nakikita;
Nilalampasan niya ako, pero hindi ko siya napapansin.
12 Kapag nang-agaw siya, sino ang makapipigil sa kaniya?
Sino ang magsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginagawa mo?’+
14 Kaya kung sasagot ako sa kaniya,
Dapat kong piliing mabuti ang mga salita ko sa pakikipagtalo sa kaniya!
15 Kahit ako ang tama, hindi ko siya sasagutin.+
Ang magagawa ko lang ay magmakaawa sa aking hukom.*
16 Kung hihingi ako ng tulong sa kaniya, sasagot ba siya?
Hindi ako naniniwalang makikinig siya,
17 Dahil binabayo niya ako ng bagyo
At pinararami ang sugat ko nang walang dahilan.+
19 Kung tungkol sa kapangyarihan, siya ang pinakamalakas.+
Kung may usapin sa katarungan, sinasabi niya: ‘Sino ang makapagsasabing mali ako?’*
20 Kahit ako ang tama, hahatulan ako ng sarili kong bibig;
Kahit nananatili akong tapat,* ipahahayag niya akong may-sala.*
21 Kahit nananatili akong tapat,* hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa akin;
Namumuhi ako sa* buhay ko.
22 Wala namang pinag-iba. Kaya nga sinasabi ko,
‘Pareho niyang pinupuksa ang walang-sala* at masama.’
23 Kung biglang rumagasa ang baha at may mamatay,
Matutuwa siya sa sinapit ng mga walang-sala.
Sino pa ba ang gagawa nito kundi siya?
25 Ang mga araw ko ay mas mabilis pa sa mananakbo;+
Lumilipas ang mga ito nang wala man lang nangyayaring mabuti.
26 Dumadaan ang mga iyon na gaya ng mga bangkang tambo,
Gaya ng agilang nandaragit ng biktima nito.
27 Kung sasabihin ko, ‘Kalilimutan ko ang hinaing ko,
Ngingiti na ako at babaguhin ang ekspresyon ng mukha ko,’
28 Matatakot pa rin ako dahil sa lahat ng hirap na dinaranas ko,+
At alam kong hindi mo ako ituturing na walang-sala.
29 Ituturing pa rin akong may-sala.*
Kaya bakit pa ako magpapakahirap?+