Jeremias
47 Ito ang sinabi ni Jehova sa propetang si Jeremias tungkol sa mga Filisteo,+ bago pabagsakin ng Paraon ang Gaza. 2 Ito ang sinabi ni Jehova:
“May dumarating na tubig mula sa hilaga.
Raragasa ito.
At babahain nito ang lupain at ang lahat ng naroon,
Ang lunsod at ang mga nakatira doon.
Hihiyaw ang mga lalaki,
At hahagulgol ang lahat ng nakatira sa lupain.
3 Sa ingay ng yabag ng kaniyang mga barakong kabayo,
Sa pagkalampag ng kaniyang mga karwaheng pandigma
At sa dagundong ng kaniyang mga gulong,
Hindi man lang babalikan ng mga ama ang mga anak nila,
Dahil manghihina ang mga kamay nila,
4 Dahil pupuksain ng dumarating na araw ang lahat ng Filisteo;+
Lilipulin nito ang bawat natitirang kakampi ng Tiro+ at Sidon.+
Pinatahimik ang Askelon.+
Gaano pa katagal bago ka manahimik?
Bumalik ka sa iyong lalagyan.
Magpahinga ka at manahimik.
7 Paano iyon mananahimik
Kung inutusan iyon ni Jehova?
Inatasan niya ito
Laban sa Askelon at sa baybaying dagat.”+