Amos
4 “Pakinggan ninyo ang salitang ito, kayong mga baka ng Basan,
Na nasa bundok ng Samaria,+
Kayong mga babae na nandaraya sa mga hamak+ at nang-aapi sa mahihirap
At nagsasabi sa inyong mga asawa,* ‘Bigyan ninyo kami ng maiinom!’
2 Ipinanumpa ng Kataas-taasang Panginoong Jehova ang kabanalan niya,
‘“Darating ang panahon na ibibitin niya kayo sa mga pangawit ng matadero
At ang iba pa sa inyo ay sa mga kawil.
3 Bawat isa sa inyo ay deretsong lalabas sa mga butas sa pader;
At itatapon kayo sa Harmon,” ang sabi ni Jehova.’
4 ‘Pumunta kayo sa Bethel at gumawa ng kasalanan,*+
Sa Gilgal at gumawa ng mas marami pang kasalanan!+
5 Magsunog kayo ng tinapay na may pampaalsa bilang hain ng pasasalamat;+
Ipagsigawan ninyo na mayroon kayong kusang-loob na mga handog!
Dahil iyan ang gustong-gusto ninyong gawin, O bayang Israel,’ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova.
6 ‘Ginawa kong malinis ang mga ngipin ninyo* sa lahat ng inyong lunsod,
At nagpasapit ako ng kakapusan sa tinapay sa lahat ng inyong bahay;+
Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.
7 ‘Pinagkaitan ko rin kayo ng ulan tatlong buwan bago ang pag-aani;+
Nagpaulan ako sa isang lunsod pero hindi sa isa pang lunsod.
Umuulan sa isang lupain,
Pero ang isa pang lupain na hindi nauulanan ay natutuyo.
8 Ang mga tao sa dalawa o tatlong lunsod ay sumuray-suray papunta sa isang lunsod para uminom ng tubig,+
At hindi sapat ang nakukuha nila;
Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.
9 ‘Nagpasapit ako sa inyo ng matinding init at ng amag.+
Nagparami kayo ng hardin at ubasan,
Pero nilamon ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo;+
At hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.
10 ‘Nagpadala ako sa inyo ng salot na kagaya ng sa Ehipto.+
Sa pamamagitan ng espada ay pinatay ko ang inyong mga kabataang lalaki+ at kinuha ko ang inyong mga kabayo.+
Pinaabot ko sa mga butas ng ilong ninyo ang baho ng inyong mga kampo;+
Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’ ang sabi ni Jehova.
At naging gaya kayo ng isang kahoy na inagaw sa apoy;
Pero hindi kayo nanumbalik sa akin,’+ ang sabi ni Jehova.
12 Kaya iyan ang gagawin ko sa iyo, O Israel.
Dahil ito ang gagawin ko sa iyo,
Humanda kang harapin ang iyong Diyos, O Israel.