17 Ngunit kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.”+
19 Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay hanggang sa ikaw ay bumalik sa lupa, sapagkat mula riyan ka kinuha.+ Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.”+
6 Ipagpalagay man na nabuhay siya nang isang libong taon na makalawang ulit at gayunma’y hindi siya nagtamasa ng kabutihan,+ hindi ba sa iisang dako lamang pumaparoon ang lahat?+
5 Sapagkat batid ng mga buháy na sila ay mamamatay;+ ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran,+ ni mayroon pa man silang kabayaran, sapagkat ang alaala sa kanila ay nalimutan.+
4 Narito! Ang lahat ng kaluluwa—akin ang mga iyon.+ Kung paano ang kaluluwa+ ng ama ay gayundin ang kaluluwa ng anak—akin ang mga iyon.+ Ang kaluluwa na nagkakasala+—iyon mismo ang mamamatay.+
23 Sapagkat ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan,+ ngunit ang kaloob+ na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan+ sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.+