-
Bilang 16:40Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
40 bilang pinakaalaala para sa mga anak ni Israel, upang walang sinumang ibang+ tao na hindi mula sa supling ni Aaron ang lumapit upang magpausok ng insenso sa harap ni Jehova,+ at upang walang sinuman ang tumulad kay Kora at sa kaniyang kapulungan,+ gaya ng sinalita ni Jehova sa kaniya sa pamamagitan ni Moises.
-
-
1 Samuel 2:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 At pinili siya mula sa lahat ng tribo ng Israel para sa akin,+ upang maglingkod bilang saserdote at umahon sa aking altar+ upang magpailanlang ng haing usok, upang magsuot ng epod sa harap ko, at sa gayon ay maibigay ko sa sambahayan ng iyong ninuno ang lahat ng handog na pinaraan sa apoy mula sa mga anak ni Israel.+
-
-
1 Cronica 23:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron+ at Moises.+ Ngunit si Aaron ay ibinukod+ upang mapabanal niya ang Kabanal-banalan,+ siya at ang kaniyang mga anak hanggang sa panahong walang takda, upang gumawa ng haing+ usok sa harap ni Jehova, upang maglingkod sa kaniya+ at upang magpahayag ng pagpapala+ sa kaniyang pangalan hanggang sa panahong walang takda.
-