1 Samuel
2 At si Hana ay nanalangin+ at nagsabi:
“Ang aking puso ay nagbubunyi dahil kay Jehova,+
Ang aking sungay ay naitataas nga dahil kay Jehova.+
Ang aking bibig ay maluwang laban sa aking mga kaaway,
Sapagkat nagsasaya ako sa kaligtasang mula sa iyo.+
2 Walang sinumang banal na gaya ni Jehova, sapagkat wala nang iba maliban sa iyo;+
At walang bato na gaya ng aming Diyos.+
3 Huwag kayong magsalita nang may labis-labis na kapalaluan,
Huwag palabasin sa inyong bibig ang anumang bagay nang walang pagpipigil,+
Sapagkat Diyos ng kaalaman si Jehova,+
At sa kaniya ay tinataya nang may kawastuan ang mga gawa.+
4 Ang makapangyarihang mga lalaki ng busog ay puspos ng kakilabutan,+
Ngunit yaong mga natitisod ay nagbibigkis nga ng kalakasan.+
5 Ang mga busóg ay nagpapaupa dahil sa tinapay,+
Ngunit ang mga gutóm ay hindi na nagugutom.+
Maging ang baog ay nanganak ng pito,+
Ngunit siya na sagana sa mga anak ay naglaho.+
7 Si Jehova ay Nagpapahikahos+ at Nagpapayaman,+
Nagbababa, at Nagtataas din,+
8 Nagbabangon ng maralita mula sa alabok;+
Mula sa hukay ng abo ay hinahango niya ang dukha,+
Upang paupuin silang kasama ng mga taong mahal; at isang trono ng kaluwalhatian+ ang ibinibigay niya sa kanila bilang pag-aari.+
Sapagkat kay Jehova ang mga suhay ng lupa,+
At ipinapatong niya sa mga iyon ang mabungang lupain.
9 Ang mga paa ng kaniyang mga matapat ay binabantayan niya;+
Kung tungkol sa mga balakyot, sila ay pinatatahimik sa kadiliman,+
Sapagkat hindi dahil sa kalakasan nakapananaig ang isang lalaki.+
10 Kung tungkol kay Jehova, yaong mga lumalaban sa kaniya ay masisindak;+
Laban sa kanila ay magpapakulog siya sa langit.+
Si Jehova mismo ang hahatol sa mga dulo ng lupa,+
Upang mabigyan niya ng lakas ang kaniyang hari,+
Upang maitaas niya ang sungay ng kaniyang pinahiran.”+
11 Pagkatapos ay umuwi si Elkana sa Rama sa kaniyang bahay; at kung tungkol sa bata, siya ay naging lingkod+ ni Jehova sa harap ni Eli na saserdote.
12 At ang mga anak ni Eli ay mga walang-kabuluhang lalaki;+ hindi nila kinikilala si Jehova.+ 13 Kung tungkol sa kaukulang karapatan ng mga saserdote mula sa bayan,+ kailanma’t naghahandog ng hain ang sinumang tao, isang tagapaglingkod ng saserdote ang pumaparoon na may tinidor na tatlo ang tulis sa kaniyang kamay, habang pinakukuluan+ pa ang karne, 14 at dumuduro sa kawa o sa kaldero na may dalawang hawakan o sa kaldera o sa kaldero na may isang hawakan. Anuman ang maiahon ng tinidor ay kinukuha ng saserdote para sa kaniyang sarili. Ganiyan ang ginagawa nila sa Shilo sa lahat ng mga Israelita na dumarating doon.+ 15 Gayundin, bago pa nila mapausok+ ang taba, isang tagapaglingkod ng saserdote ang pumaparoon at nagsasabi sa lalaking naghahain: “Magbigay ka ng karneng iihawin para sa saserdote upang makatanggap siya mula sa iyo, hindi ng pinakuluang karne, kundi ng hilaw.”+ 16 Kapag sasabihin sa kaniya ng lalaki: “Tiyakin muna nilang pausukin ang taba.+ Pagkatapos ay kunin mo para sa iyong sarili ang anumang nasain ng iyong kaluluwa,”+ sasabihin nga niya: “Hindi, kundi dapat mong ibigay iyon ngayon; at kung hindi ay kukunin ko iyon nang sapilitan!”+ 17 At ang kasalanan ng mga tagapaglingkod ay naging napakalaki sa harap ni Jehova;+ sapagkat pinakitunguhan ng mga lalaking ito nang walang galang ang handog kay Jehova.+
18 At si Samuel ay naglilingkod+ sa harap ni Jehova, bilang isang bata, na nabibigkisan ng isang linong epod.+ 19 Gayundin, isang maliit na damit na walang manggas ang ginagawa para sa kaniya ng kaniyang ina, at dinadala niya iyon sa kaniya taun-taon kapag umaahon siyang kasama ng kaniyang asawa upang maghain ng taunang hain.+ 20 At pinagpala+ ni Eli si Elkana at ang kaniyang asawa at sinabi: “Magkaloob nawa sa iyo si Jehova ng isang supling mula sa asawang ito bilang kahalili ng ipinahiram, na ipinahiram kay Jehova.”+ At umuwi sila sa kanilang dako. 21 Sa gayon ay ibinaling ni Jehova ang kaniyang pansin kay Hana,+ anupat siya ay nagdalang-tao at nagsilang ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae.+ At ang batang si Samuel ay patuloy na lumaki sa harap ni Jehova.+
22 At si Eli ay lubhang matanda na, at narinig+ niya ang tungkol sa lahat ng patuloy na ginagawa ng kaniyang mga anak+ sa buong Israel at kung paanong sinisipingan nila ang mga babaing+ naglilingkod sa pasukan ng tolda ng kapisanan.+ 23 At sinasabi niya sa kanila:+ “Bakit patuloy kayong gumagawa ng mga bagay na tulad nito?+ Sapagkat ang mga bagay na naririnig ko tungkol sa inyo mula sa buong bayan ay masasama.+ 24 Huwag,+ mga anak ko, sapagkat hindi mabuti ang ulat na naririnig ko, na ipinalalaganap ng bayan ni Jehova.+ 25 Kung magkasala ang isang tao laban sa tao,+ ang Diyos ang mamamagitan para sa kaniya;+ ngunit kung laban kay Jehova magkasala ang isang tao,+ sino ang mananalangin para sa kaniya?”+ Ngunit hindi nila pinakikinggan ang tinig ng kanilang ama,+ sapagkat kinalugdan na ngayon ni Jehova na sila ay patayin.+ 26 Samantala, ang batang si Samuel ay lumalaki at nagiging higit na kaibig-ibig kapuwa sa pangmalas ni Jehova at niyaong sa mga tao.+
27 At isang lalaki ng Diyos+ ang pumaroon kay Eli at nagsabi sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Hindi ba sa katunayan ay nagpakita ako sa sambahayan ng iyong ninuno samantalang sila ay nasa Ehipto bilang mga alipin sa sambahayan ni Paraon?+ 28 At pinili siya mula sa lahat ng tribo ng Israel para sa akin,+ upang maglingkod bilang saserdote at umahon sa aking altar+ upang magpailanlang ng haing usok, upang magsuot ng epod sa harap ko, at sa gayon ay maibigay ko sa sambahayan ng iyong ninuno ang lahat ng handog na pinaraan sa apoy mula sa mga anak ni Israel.+ 29 Bakit patuloy ninyong sinisipa ang aking hain+ at ang aking handog na iniutos ko may kinalaman sa aking tahanan,+ at patuloy mong pinararangalan ang iyong mga anak nang higit kaysa sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili+ mula sa pinakamainam ng bawat handog ng Israel na aking bayan?+
30 “ ‘Iyan ang dahilan kung bakit ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel ay: “Talagang sinabi ko, Kung tungkol sa iyong sambahayan at sa sambahayan ng iyong ninuno, sila ay lalakad sa harap ko hanggang sa panahong walang takda.”+ Ngunit ang sinabi ngayon ni Jehova ay: “Malayong mangyari, sa ganang akin, sapagkat yaong mga nagpaparangal sa akin+ ay pararangalan ko,+ at yaong mga humahamak sa akin ay magiging walang kabuluhan.”+ 31 Narito! Ang mga araw ay darating na tatagpasin ko nga ang iyong bisig at ang bisig ng sambahayan ng iyong ninuno, anupat hindi magkakaroon ng isa mang matanda sa iyong sambahayan.+ 32 At pagmamasdan mo nga ang isang kalaban sa aking tahanan sa gitna ng lahat ng kabutihan na ginagawa sa Israel;+ at hindi na magkakaroon ng isa mang matanda sa iyong sambahayan. 33 Gayunpaman ay may isang lalaki mula sa iyo na hindi ko aalisin sa paglapit sa aking altar upang palabuin ang iyong mga mata at panlupaypayin ang iyong kaluluwa; ngunit ang nakararami sa iyong sambahayan ay mamamatay na lahat sa pamamagitan ng tabak ng mga tao.+ 34 At ito ang tanda para sa iyo na darating sa iyong dalawang anak, si Hopni at si Pinehas:+ Sa iisang araw ay kapuwa sila mamamatay.+ 35 At magbabangon nga ako sa ganang akin ng isang tapat na saserdote.+ Gagawin niya ang kasuwato ng nasa aking puso at nasa aking kaluluwa; at magtatayo nga ako para sa kaniya ng isang namamalaging sambahayan, at lagi siyang lalakad sa harap ng aking pinahiran.+ 36 At mangyayari nga na ang sinumang matitira+ sa iyong sambahayan ay paroroon at yuyukod sa kaniya para sa kabayarang salapi at isang tinapay na bilog, at magsasabi nga: “Pakisuyo, ilagay mo ako sa isa sa mga makasaserdoteng katungkulan upang kumain ng isang pirasong tinapay.” ’ ”+