16 At pinasimulang gawin ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw, ang mas malaking tanglaw para magpuno sa araw at ang mas maliit na tanglaw para magpuno sa gabi, at gayundin ang mga bituin.+
10 Nang magkagayon ay sinabi ni Hezekias: “Madaling bagay sa anino na humaba nang sampung baytang, ngunit hindi ang pag-atras ng anino nang sampung baytang.”+
8 Narito, pinaaatras ko nang sampung baytang+ ang anino sa mga baytang na nakababa na sa mga baytang ng hagdan ni Ahaz dahil sa araw.” ’ ”+ At ang araw ay unti-unting bumalik nang sampung baytang sa mga baytang ng hagdan na binabaan nito.+