16 Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili,+ ni pababalikin man niya sa Ehipto ang bayan upang magparami ng mga kabayo;+ sapagkat sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na kayong babalik pang muli sa daang ito.’
4 At nakabihag si David mula sa kaniya ng isang libo pitong daang mangangabayo at dalawampung libong lalaking naglalakad;+ at pinilay+ ni David ang lahat ng kabayong pangkaro,+ ngunit nagtira siya sa kanila ng isang daang kabayong pangkaro.
25 At nagdadala sila ng kani-kaniyang kaloob,+ mga kagamitang pilak+ at mga kagamitang ginto at mga kasuutan at baluti+ at langis ng balsamo, mga kabayo at mga mula,+ bilang taunang kinagawian.+
17 At kinaugalian nilang iahon at iluwas mula sa Ehipto ang isang karo sa halagang anim na raang pirasong pilak at ang isang kabayo ay sa isang daan at limampu; at gayundin sa lahat ng mga hari ng mga Hiteo at ng mga hari ng Sirya.+ Sa pamamagitan nila sila nagluluwas.