-
Daniel 4:35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
35 At ang lahat ng tumatahan sa lupa ay itinuturing lamang na walang kabuluhan,+ at ginagawa niya ang ayon sa kaniyang sariling kalooban sa gitna ng hukbo ng langit at ng mga tumatahan sa lupa.+ At walang sinumang umiiral ang makapipigil sa kaniyang kamay+ o makapagsasabi sa kaniya, ‘Ano ang ginagawa mo?’+
-
-
Daniel 5:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At mula sa mga anak ng sangkatauhan ay itinaboy siya, at ang kaniya mismong puso ay ginawang tulad ng sa hayop, at tumahan siyang kasama ng maiilap na asno.+ Pananim ang ibinigay nila upang kainin niyang gaya ng mga toro, at sa hamog ng langit ay nabasâ ang kaniyang katawan,+ hanggang sa malaman niya na ang Kataas-taasang Diyos ay Tagapamahala sa kaharian ng mga tao, at na ang isa na ibig niya ay itinatalaga niya upang mamahala roon.+
-