Daniel
2 At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor, si Nabucodonosor ay nanaginip ng mga panaginip;+ at ang kaniyang espiritu ay nagsimulang maligalig,+ at ang kaniya mismong tulog ay naging mailap sa kaniya. 2 Kaya sinabi ng hari na tawagin ang mga mahikong saserdote+ at ang mga salamangkero at ang mga manggagaway at ang mga Caldeo upang sabihin sa hari ang kaniyang mga panaginip.+ At sila ay pumasok at tumayo sa harap ng hari. 3 At sinabi ng hari sa kanila: “May isang panaginip na napanaginipan ko, at naliligalig ang aking espiritu na malaman ang panaginip.” 4 Sa gayon ay nagsalita sa hari ang mga Caldeo sa wikang Aramaiko:+ “O hari, mabuhay ka maging hanggang sa mga panahong walang takda.+ Sabihin mo ang panaginip sa iyong mga lingkod, at ipakikita namin ang pakahulugan.”+
5 Ang hari ay sumagot at nagsabi sa mga Caldeo: “Ang salita ay pinagtitibay ko: Kung hindi ninyo maipaaalam sa akin ang panaginip, at ang pakahulugan nito, pagpuputul-putulin+ kayo, at ang inyong mga bahay ay gagawing mga palikurang pambayan.+ 6 Ngunit kung ang panaginip at ang pakahulugan nito ay maipakikita ninyo, mga kaloob at isang regalo at malaking dangal ang tatanggapin ninyo mula sa akin.+ Kaya ipakita ninyo sa akin ang mismong panaginip at ang pakahulugan nito.”
7 Sumagot sila sa ikalawang pagkakataon at nagsabi: “Sabihin ng hari ang panaginip sa kaniyang mga lingkod, at ipakikita namin ang pakahulugan nito.”
8 Ang hari ay sumagot at nagsabi: “Sa katotohanan, nababatid ko na panahon ang sinisikap ninyong matamo, yamang napag-unawa ninyo na ang salita ay pinagtitibay ko. 9 Sapagkat kung hindi ninyo maipaaalam sa akin ang mismong panaginip, ang kaisa-isang hatol+ na ito ay sasainyo. Ngunit isang kasinungalingan at maling salita ang napagkasunduan ninyong sabihin sa harap ko,+ hanggang sa ang panahon ay mabago. Kaya sabihin ninyo sa akin ang mismong panaginip, at malalaman ko na maipakikita ninyo ang pakahulugan nito.”
10 Ang mga Caldeo ay sumagot sa harap ng hari, at sinabi nila: “Walang taong umiiral sa tuyong lupa ang makapagpapakita ng bagay ng hari, yamang walang dakilang hari o gobernador ang nagtanong ng bagay na gaya nito sa sinumang mahikong saserdote o salamangkero o Caldeo. 11 Kundi ang bagay na itinatanong ng hari ay mahirap, at walang sinumang umiiral ang makapagpapakita nito sa harap ng hari maliban sa mga diyos,+ na ang sariling tahanan ay hindi umiiral na kasama ng laman.”+
12 Dahil dito ang hari ay nagalit at lubhang napoot,+ at sinabi niyang puksain ang lahat ng marurunong na tao ng Babilonya.+ 13 At ang utos ay lumabas, at ang marurunong na tao ay papatayin na; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasamahan, upang patayin sila.
14 Nang panahong iyon si Daniel, sa ganang sarili, ay nagsalita nang may payo at katinuan+ kay Ariok na pinuno ng tagapagbantay ng hari, na lumabas upang patayin ang marurunong na tao ng Babilonya. 15 Sumagot siya at nagsabi kay Ariok na opisyal ng hari: “Ano ang dahilan at may gayon kabagsik na utos mula sa hari?” Nang magkagayon ay ipinaalam ni Ariok ang bagay na iyon kay Daniel.+ 16 Kaya si Daniel ay pumasok at humiling sa hari na bigyan siya ng panahon upang maipakita sa hari ang pakahulugan.+
17 Pagkatapos nito ay pumaroon si Daniel sa kaniyang sariling bahay; at ipinaalam niya kina Hananias, Misael at Azarias na kaniyang mga kasamahan ang bagay na iyon, 18 upang humiling nga sila ng kaawaan+ mula sa Diyos ng langit+ may kinalaman sa lihim na ito,+ upang huwag nilang puksain si Daniel at ang kaniyang mga kasamahan kasama ng iba pang marurunong na tao ng Babilonya.+
19 Nang magkagayon ay isiniwalat kay Daniel ang lihim sa isang pangitain sa gabi.+ Dahil dito ay pinagpala+ ni Daniel ang Diyos ng langit. 20 Si Daniel ay sumagot at nagsabi: “Pagpalain nawa ang pangalan ng Diyos+ mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda, dahil sa karunungan at kalakasan—sapagkat ang mga iyon ay sa kaniya.+ 21 At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan,+ nag-aalis ng mga hari at naglalagay ng mga hari,+ nagbibigay ng karunungan sa marurunong at ng kaalaman doon sa mga nakaaalam ng kaunawaan.+ 22 Kaniyang isinisiwalat ang malalalim na bagay at ang mga nakakubling bagay,+ nalalaman kung ano ang nasa kadiliman;+ at sa kaniya ay nananahanan ang liwanag.+ 23 Sa iyo, O Diyos ng aking mga ninuno, ay nagbibigay ako ng pasasalamat at papuri,+ sapagkat ang karunungan+ at kalakasan ay ibinigay mo sa akin. At ngayon ay ipinaalam mo sa akin yaong hiniling namin sa iyo, sapagkat ipinaalam mo sa amin ang mismong bagay ng hari.”+
24 Dahil dito ay pumunta si Daniel kay Ariok,+ na siyang inatasan ng hari upang pumuksa sa marurunong na tao ng Babilonya.+ Pumaroon siya, at ito ang sinabi niya rito: “Huwag mong puksain ang sinuman sa marurunong na tao ng Babilonya. Dalhin mo ako sa harap ng hari,+ upang maipakita ko sa hari ang pakahulugan.”
25 Nang magkagayon ay dali-daling dinala ni Ariok si Daniel sa harap ng hari, at ito ang sinabi niya sa kaniya: “Nakasumpong ako ng isang matipunong lalaki mula sa mga tapon+ ng Juda na siyang makapagbibigay-alam sa hari ng pakahulugan.” 26 Ang hari ay sumagot at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltesasar:+ “May sapat ka bang kakayahan upang ipaalam sa akin ang panaginip na nakita ko, at ang pakahulugan nito?”+ 27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari at nagsabi: “Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipakikita sa hari ng marurunong na tao, ng mga salamangkero, ng mga mahikong saserdote at ng mga astrologo.+ 28 Gayunman, may umiiral na Diyos sa langit na isang Tagapagsiwalat ng mga lihim,+ at ipinaaalam niya kay Haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa huling bahagi ng mga araw.+ Ang iyong panaginip at ang mga pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan—ito iyon:
29 “Kung tungkol sa iyo, O hari, sa iyong higaan+ ay dumating ang iyong sariling mga kaisipan may kinalaman sa kung ano ang mangyayari pagkatapos nito, at ipinaaalam sa iyo ng Isa na Tagapagsiwalat ng mga lihim kung ano ang mangyayari.+ 30 At sa ganang akin, hindi dahil sa anumang karunungan na nasa akin nang higit kaysa sa kanino pa mang buháy kung kaya ang lihim na ito ay isiniwalat sa akin,+ maliban sa layon na ang pakahulugan ay maipaalam sa hari at upang ang mga kaisipan ng iyong puso ay malaman mo.+
31 “Ikaw, O hari, ay nakakita, at, narito! isang pagkalaki-laking imahen. Ang imaheng iyon, na malaki at may kaningningang pambihira, ay nakatayo sa harap mo, at ang anyo nito ay nakapanghihilakbot. 32 Kung tungkol sa imaheng iyon, ang ulo nito ay mainam na ginto,+ ang dibdib nito at ang mga bisig nito ay pilak,+ ang tiyan nito at ang mga hita nito ay tanso,+ 33 ang mga binti nito ay bakal,+ ang mga paa nito ay may bahaging bakal at may bahaging hinulmang luwad.+ 34 Patuloy kang tumitingin hanggang sa isang bato ang matibag na hindi sa pamamagitan ng mga kamay,+ at tinamaan nito ang imahen sa mga paa nitong bakal at hinulmang luwad at dinurog ang mga iyon.+ 35 Sa pagkakataong iyon ang bakal, ang hinulmang luwad, ang tanso, ang pilak at ang ginto, sama-samang lahat, ay nadurog at naging gaya ng ipa mula sa giikan sa tag-araw,+ at ang mga iyon ay tinangay ng hangin anupat walang anumang bakas ng mga iyon ang nasumpungan.+ At kung tungkol sa bato na tumama sa imahen, ito ay naging isang malaking bundok at pinunô nito ang buong lupa.+
36 “Ito ang panaginip, at ang pakahulugan nito ay sasabihin namin sa harap ng hari.+ 37 Ikaw, O hari, na hari ng mga hari, na sa iyo ay ibinigay ng Diyos sa langit ang kaharian,+ ang kapangyarihan, at ang lakas at ang dangal, 38 at sa iyong kamay ay ibinigay niya,+ saanman ang mga anak ng sangkatauhan ay nananahanan, ang mga hayop sa parang at ang mga may-pakpak na nilalang sa langit, at siyang ginawa niyang tagapamahala sa kanilang lahat, ikaw mismo ang ulong ginto.+
39 “At kasunod mo ay babangon ang isa pang kaharian+ na nakabababa sa iyo;+ at ang isa pang kaharian, ang ikatlo, na tanso, na mamamahala sa buong lupa.+
40 “At kung tungkol sa ikaapat na kaharian,+ iyon ay magiging malakas na gaya ng bakal.+ Yamang ang bakal ay dumudurog at gumigiling ng lahat ng iba pang bagay, gayundin, gaya ng bakal na bumabasag, dudurugin at babasagin niyaon ang lahat nga ng mga ito.+
41 “At samantalang nakita mo ang mga paa at ang mga daliri na may bahaging hinulmang luwad ng magpapalayok at may bahaging bakal,+ ang kaharian ay mahahati,+ ngunit magkakaroon iyon ng tigas ng bakal, yamang nakita mo na ang bakal ay hinaluan ng mamasa-masang luwad.+ 42 At kung tungkol sa mga daliri ng mga paa na may bahaging bakal at may bahaging hinulmang luwad, ang kaharian ay magiging malakas nang bahagya at magiging marupok nang bahagya. 43 Samantalang nakita mo na ang bakal ay may halong mamasa-masang luwad, ang mga iyon ay mahahalo sa supling ng sangkatauhan; ngunit ang mga iyon ay hindi magkakadikit, ang isang ito at ang isang iyon, kung paanong ang bakal ay hindi humahalo sa hinulmang luwad.
44 “At sa mga araw ng mga haring+ iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit+ ng isang kaharian+ na hindi magigiba kailanman.+ At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan.+ Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito,+ at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda;+ 45 yamang nakita mo na mula sa bundok ay isang bato ang natibag na hindi sa pamamagitan ng mga kamay,+ at na dinurog nito ang bakal, ang tanso, ang hinulmang luwad, ang pilak at ang ginto.+ Ipinaalam ng Dakilang Diyos+ sa hari kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.+ At ang panaginip ay mapananaligan, at ang pakahulugan nito ay mapagkakatiwalaan.”+
46 Sa pagkakataong iyon ay isinubsob ni Haring Nabucodonosor ang kaniyang mukha, at kay Daniel ay nagbigay-galang siya, at sinabi niyang maghandog sa kaniya ng isang regalo at insenso.+ 47 Ang hari ay sumagot kay Daniel at nagsabi: “Totoo nga na ang Diyos ninyo ay Diyos ng mga diyos+ at Panginoon ng mga hari+ at Tagapagsiwalat ng mga lihim, sapagkat naisiwalat mo ang lihim na ito.”+ 48 Dahil dito ay pinadakila ng hari si Daniel,+ at binigyan niya ito ng maraming malalaking kaloob, at ginawa niya itong tagapamahala sa buong nasasakupang distrito ng Babilonya+ at punong prepekto sa lahat ng marurunong na tao ng Babilonya. 49 At si Daniel naman ay humiling sa hari, at inatasan niya sa pangangasiwa ng nasasakupang distrito ng Babilonya sina Sadrac, Mesac at Abednego,+ ngunit si Daniel ay nasa looban+ ng hari.