16 At ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian ay tiyak na magiging matatag hanggang sa panahong walang takda sa harap mo; ang iyo mismong trono ay magiging isa na itinatag nang matibay hanggang sa panahong walang takda.” ’ ”+
5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+
13 At siya ang magtatayo ng templo ni Jehova, at siya, sa ganang kaniya, ang magtataglay ng dangal; + at siya ay uupo at mamamahala sa kaniyang trono, at siya ay magiging isang saserdote sa kaniyang trono, + at ang payo ng kapayapaan + ay mapapasapagitan nilang dalawa.
34 Sa gayon ay sumagot sa kaniya ang pulutong: “Narinig namin mula sa Kautusan na ang Kristo ay nananatili magpakailanman;+ at paano ngang sinasabi mo na ang Anak ng tao ay kailangang itaas?+ Sino itong Anak ng tao?”+
16 “ ‘Ako, si Jesus, ay nagsugo ng aking anghel upang magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para sa mga kongregasyon. Ako ang ugat+ at ang supling+ ni David, at ang maningning na bituing pang-umaga.’ ”+