-
Isaias 28:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 At ang mga ito rin—dahil sa alak ay naliligaw sila at dahil sa nakalalangong inumin ay pagala-gala sila. Saserdote at propeta+—naliligaw sila dahil sa nakalalangong inumin, nalilito sila dahilan sa alak, pagala-gala+ sila dahilan sa nakalalangong inumin; naliligaw sila sa kanilang pagtingin, nabubuwal sila kung tungkol sa pagpapasiya.
-
-
Jeremias 8:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Kaya ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa ibang mga lalaki, ang kanilang mga bukid doon sa mga magmamay-ari;+ sapagkat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa ay humahanap ng di-tapat na pakinabang;+ mula sa propeta hanggang sa saserdote, ang bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan.+
-