-
Jeremias 30:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “At ikaw naman, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod,” ang sabi ni Jehova, “at huwag kang mangilabot, O Israel.+ Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.+ At ang Jacob ay tiyak na babalik at mapapanatag at magiging tiwasay, at walang sinumang magpapanginig.”+
-
-
Jeremias 44:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 At kung tungkol sa mga makatatakas mula sa tabak, babalik sila sa lupain ng Juda mula sa lupain ng Ehipto, na kakaunti ang bilang;+ at malalaman nga ng lahat ng kasama sa nalabi ng Juda, na papasok sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan, kung kaninong salita ang magkakatotoo, yaong mula sa akin o yaong mula sa kanila.” ’ ”+
-
-
Ezekiel 14:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Ngunit, narito! tiyak na maiiwanan doon ang isang pangkat ng mga takas, yaong mga inilalabas.+ Mga anak na lalaki at mga anak na babae, narito sila! Lumalabas sila patungo sa inyo, at makikita ninyo ang kanilang lakad at ang kanilang mga pakikitungo.+ At tiyak na maaaliw kayo sa kabila ng kapahamakan na pasasapitin ko sa Jerusalem, ang lahat nga ng pasasapitin ko sa kaniya.’ ”
-