22 Sinabi naman ni Samuel: “Mayroon bang gayon kalaking kaluguran si Jehova sa mga handog na sinusunog+ at mga hain na gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Jehova? Narito! Ang pagsunod+ ay mas mabuti kaysa sa hain,+ ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga barakong tupa;
11 “Ano ang pakinabang ko sa karamihan ng inyong mga hain?” sabi ni Jehova. “Tama na sa akin ang mga buong handog na sinusunog+ na mga barakong tupa+ at ang taba ng mga patabaing hayop;+ at sa dugo+ ng mga guyang toro at mga lalaking kordero at mga kambing na lalaki+ ay hindi ako nalulugod.+
16 Maging ang Lebanon ay hindi sapat upang mapanatiling nagniningas ang apoy, at ang maiilap na hayop+ nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog.+