Isaias
40 “Aliwin ninyo, aliwin ninyo ang aking bayan,” ang sabi ng inyong Diyos.+ 2 “Salitain ninyo sa puso ng Jerusalem+ at isigaw ninyo sa kaniya na ang kaniyang paglilingkod militar ay naganap na,+ na ang kaniyang kamalian ay nabayaran na.+ Sapagkat mula sa kamay ni Jehova ay tumanggap na siya ng kabuuang dami para sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.”+
3 Makinig kayo! May humihiyaw sa ilang:+ “Hawanin ninyo ang daan ni Jehova!+ Tuwirin ninyo para sa ating Diyos ang lansangang-bayan sa disyertong kapatagan.+ 4 Bawat libis ay mátaas,+ at bawat bundok at burol ay mábabâ.+ At ang umbuk-umbok na dako ay magiging patag na lupain, at ang baku-bakong lupain ay magiging kapatagang libis.+ 5 At ang kaluwalhatian ni Jehova ay tiyak na masisiwalat,+ at magkakasamang makikita iyon ng lahat ng laman,+ sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ang nagsalita nito.”+
6 Pakinggan mo! May nagsasabi: “Sumigaw ka!”+ At may isang nagsabi: “Ano ang isisigaw ko?”
“Ang lahat ng laman ay luntiang damo, at ang lahat ng kanilang maibiging-kabaitan ay gaya ng bulaklak sa parang.+ 7 Ang luntiang damo ay natuyo, ang bulaklak ay nalanta,+ sapagkat hinipan iyon ng mismong espiritu ni Jehova.+ Tunay na ang mga tao ay luntiang damo.+ 8 Ang luntiang damo ay natuyo, ang bulaklak ay nalanta;+ ngunit kung tungkol sa salita ng ating Diyos, iyon ay mananatili hanggang sa panahong walang takda.”+
9 Umahon ka maging sa mataas na bundok,+ ikaw na babaing nagdadala ng mabuting balita para sa Sion.+ Isigaw mo ang iyong tinig nang malakas, ikaw na babaing nagdadala ng mabuting balita para sa Jerusalem.+ Isigaw mo. Huwag kang matakot.+ Sabihin mo sa mga lunsod ng Juda: “Narito ang inyong Diyos.”+ 10 Narito! Ang Soberanong Panginoong Jehova ay darating na gaya nga ng isa na malakas, at ang kaniyang bisig ay mamamahala sa ganang kaniya.+ Narito! Ang kaniyang gantimpala ay nasa kaniya,+ at ang kabayaran na kaniyang ibinabayad ay nasa harap niya.+ 11 Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan.+ Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero;+ at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila.+ Yaong mga nagpapasuso ay maingat niyang papatnubayan.+
12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad lamang ng kaniyang kamay,+ at sumukat sa langit sa pamamagitan lamang ng isang dangkal+ at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang pantakal,+ o nagtimbang ng mga bundok sa isang panukat, at ng mga burol sa timbangan? 13 Sino ang sumukat sa espiritu ni Jehova, at bilang kaniyang taong tagapayo ay sino ang makapagpapabatid sa kaniya ng anuman?+ 14 Kanino siya nakipagsanggunian upang may makapagpaunawa sa kaniya, o sino ang nagtuturo sa kaniya sa landas ng katarungan, o nagtuturo sa kaniya ng kaalaman,+ o nagpapabatid sa kaniya ng mismong daan ng tunay na unawa?+
15 Narito! Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba; at ibinibilang silang gaya ng manipis na alikabok sa timbangan.+ Narito! Itinataas niya ang mga pulo+ na gaya lamang ng pinong alabok. 16 Maging ang Lebanon ay hindi sapat upang mapanatiling nagniningas ang apoy, at ang maiilap na hayop+ nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog.+ 17 Ang lahat ng mga bansa ay gaya ng isang bagay na hindi umiiral sa harap niya;+ sa kaniya ay ibinilang silang walang kabuluhan at isang kabulaanan.+
18 At kanino ninyo maitutulad ang Diyos,+ at anong wangis ang maitatabi ninyo sa kaniya?+ 19 Ang bihasang manggagawa ay naghulma ng isang hamak na binubong imahen,+ at kinakalupkupan iyon ng ginto ng platero,+ at nagpapanday siya ng mga tanikalang pilak.+ 20 Isang punungkahoy na pinakaabuloy, isang punungkahoy na hindi bulok, ang pipiliin niya.+ Isang dalubhasang manggagawa ang hahanapin niya sa ganang kaniya, upang maghanda ng isang inukit na imahen+ na hindi makikilos.+
21 Hindi ba ninyo alam? Hindi ba ninyo naririnig? Hindi ba iyon sinabi sa inyo mula sa pasimula? Hindi ba kayo gumamit ng unawa mula sa mga pundasyon ng lupa?+ 22 May Isa na tumatahan sa ibabaw ng bilog ng lupa,+ na ang mga nananahanan doon ay gaya ng mga tipaklong, ang Isa na nag-uunat ng langit na gaya ng manipis na gasa, na naglaladlad nito na parang isang toldang matatahanan,+ 23 ang Isa na iniuuwi sa wala ang matataas na opisyal, na ginagawang gaya lamang ng kabulaanan ang mismong mga hukom sa lupa.+
24 Hindi pa sila naitatanim; hindi pa sila naihahasik; hindi pa nag-uugat sa lupa ang kanilang tuod.+ At hipan lamang sila at sila ay natutuyo;+ at tulad ng pinaggapasan ay tatangayin sila ng buhawi.+
25 “Ngunit kanino ninyo ako maitutulad upang ako ay makapantay niya?” ang sabi ng Banal.+ 26 “Itingin ninyo ang inyong mga mata sa itaas at masdan. Sino ang lumalang ng mga bagay na ito?+ Iyon ang Isa na naglalabas sa hukbo nila ayon sa bilang, na lahat sila ay tinatawag niya ayon sa pangalan.+ Dahil sa kasaganaan ng dinamikong lakas,+ palibhasa’y malakas din ang kaniyang kapangyarihan, walang isa man sa kanila ang nawawala.
27 “Ano ang dahilan at sinasabi mo, O Jacob, at sinasalita mo, O Israel, ‘Ang aking daan ay nakubli mula kay Jehova,+ at ang katarungan para sa akin ay nakalalampas sa aking Diyos’?+ 28 Hindi mo ba nalaman o hindi mo ba narinig?+ Si Jehova, ang Maylalang ng mga dulo ng lupa, ay Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Hindi siya napapagod o nanlulupaypay.+ Hindi maaarok ang kaniyang unawa.+ 29 Siya ay nagbibigay ng lakas sa pagod;+ at ang isa na walang dinamikong lakas+ ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan. 30 Ang mga batang lalaki ay kapuwa mapapagod at manlulupaypay, at ang mga kabinataan ay walang pagsalang mabubuwal, 31 ngunit yaong mga umaasa+ kay Jehova ay magpapanibagong-lakas.+ Sila ay paiilanlang na may mga pakpak na gaya ng mga agila.+ Sila ay tatakbo at hindi manlulupaypay; sila ay lalakad at hindi mapapagod.”+