13 Ang pagkatakot kay Jehova ay nangangahulugan ng pagkapoot sa masama.+ Ang pagtataas sa sarili at pagmamapuri+ at ang masamang lakad at ang tiwaling bibig+ ay kinapopootan ko.
13 Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay ayaw man lamang itingala sa langit ang kaniyang mga mata, kundi patuloy na dinadagukan ang kaniyang dibdib,+ na sinasabi, ‘O Diyos, magmagandang-loob ka sa akin na isang makasalanan.’+
6 Gayunman, ang di-sana-nararapat na kabaitan na kaniyang ibinibigay ay mas dakila.+ Kaya sinasabi nito: “Sinasalansang ng Diyos ang mga palalo,+ ngunit nagbibigay siya ng di-sana-nararapat na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.”+