-
Awit 22:superskripsiyon-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
Sa tagapangasiwa ng Babaing Usa sa Bukang-liwayway. Awitin ni David.
22 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako iniwan?+
Bakit ka malayo sa pagliligtas sa akin,+
Sa mga salita ng aking pag-ungal?+
2 O Diyos ko, patuloy akong tumatawag kung araw, at hindi ka sumasagot;+
At kung gabi, at walang katahimikan sa ganang akin.+
7 Kung tungkol naman sa lahat ng nakakakita sa akin, inaalipusta nila ako;+
Ibinubuka nilang mabuti ang kanilang mga bibig, iniiling nila ang kanilang ulo:+
8 “Ipinagkatiwala niya ang kaniyang sarili kay Jehova.+
Paglaanan Niya siya ng pagtakas!+
Hanguin niya siya, yamang nalulugod siya sa kaniya!”+
9 Sapagkat ikaw ang Isa na naglabas sa akin mula sa tiyan,+
Ang Isa na pinagtitiwala ako habang nasa mga suso ng aking ina.+
10 Sa iyo ay nahagis ako mula sa bahay-bata;+
Mula pa sa tiyan ng aking ina ay ikaw na ang aking Diyos.+
11 Huwag kang manatiling malayo sa akin, sapagkat ang kabagabagan ay malapit,+
Sapagkat wala nang ibang katulong.+
14 Ibinuhos akong parang tubig,+
At ang lahat ng aking mga buto ay nagkahiwa-hiwalay.+
Ang aking puso ay naging tulad ng pagkit;+
Natunaw ito sa kailaliman ng aking mga panloob na bahagi.+
15 Ang aking kapangyarihan ay natuyong gaya ng bibingang luwad,+
At ang aking dila ay dumidikit sa aking mga gilagid;+
At sa alabok ng kamatayan ay inilalagay mo ako.+
16 Sapagkat pinalibutan ako ng mga aso;+
Pinaligiran ako ng kapulungan ng mga manggagawa ng kasamaan.+
Tulad ng leon sila ay nasa aking mga kamay at aking mga paa.+
18 Pinaghahati-hatian nila sa kanilang sarili ang aking mga kasuutan,+
At ang aking damit ay pinagpapalabunutan nila.+
20 Iligtas mo mula sa tabak ang aking kaluluwa,+
Ang aking kaisa-isa mula sa mismong pangalmot ng aso;+
21 Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon,+
At mula sa mga sungay ng mga torong gubat ay sagutin mo ako at iligtas.+
22 Ipahahayag ko ang iyong pangalan+ sa aking mga kapatid;+
Sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita.+
23 Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo siya!+
Kayong lahat na binhi ni Jacob, luwalhatiin ninyo siya!+
At matakot kayo sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.+
24 Sapagkat hindi siya nanghamak+
Ni narimarim man sa kapighatian ng napipighati;+
At hindi niya ikinubli ang kaniyang mukha mula sa kaniya,+
At nang humingi siya sa kaniya ng tulong ay kaniyang dininig.+
25 Sa iyo magmumula ang aking papuri sa malaking kongregasyon;+
Ang aking mga panata ay tutuparin ko sa harap ng mga may takot sa kaniya.+
26 Ang maaamo ay kakain at mabubusog;+
Yaong mga humahanap sa kaniya ay pupuri kay Jehova.+
Mabuhay nawa ang inyong mga puso magpakailanman.+
27 Ang lahat ng mga dulo ng lupa ay makaaalaala at manunumbalik kay Jehova.+
At ang lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay yuyukod sa harap mo.+
-
-
Isaias 53:1-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
53 Sino ang nanampalataya sa bagay na narinig namin?+ At kung tungkol sa bisig ni Jehova,+ kanino ito naisiwalat?+ 2 At siya ay tutubo na gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap ng isa, at gaya ng isang ugat mula sa lupaing walang tubig. Wala siyang matikas na anyo, ni anumang karilagan;+ at kapag nakita namin siya, wala roon ang kaanyuan anupat siya ay nanasain namin.+
3 Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao,+ isang taong nauukol sa mga kirot at sa pagkakaroon ng kabatiran sa sakit.+ At waring may pagkukubli ng mukha ng isa mula sa amin.+ Siya ay hinamak, at itinuring namin siya bilang walang halaga.+ 4 Tunay na ang aming mga sakit ang siyang dinala niya;+ at kung tungkol sa aming mga kirot, pinasan niya ang mga iyon.+ Ngunit itinuring namin siya bilang sinalot,+ sinaktan ng Diyos+ at pinighati.+ 5 Ngunit siya ay inuulos+ dahil sa aming pagsalansang;+ siya ay sinisiil dahil sa aming mga kamalian.+ Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya,+ at dahil sa kaniyang mga sugat+ ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.+ 6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+ 7 Siya ay ginipit,+ at hinayaan niyang pighatiin siya;+ gayunma’y hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig. Siya ay dinalang tulad ng isang tupa patungo sa patayan;+ at tulad ng isang tupang babae na sa harap ng kaniyang mga manggugupit ay napipi, hindi rin niya ibinubuka ang kaniyang bibig.+
8 Dahil sa pagpigil at sa paghatol ay inalis siya;+ at sino ang magtutuon ng pansin sa mga detalye ng kaniyang salinlahi?+ Sapagkat inihiwalay+ siya mula sa lupain ng mga buháy.+ Dahil sa pagsalansang+ ng aking bayan ay natamo niya ang hampas.+ 9 At ang kaniyang dakong libingan ay gagawin niyang kasama nga ng mga balakyot,+ at kasama ng mga uring mayaman sa kaniyang kamatayan,+ bagaman wala siyang ginawang karahasan+ at walang panlilinlang sa kaniyang bibig.+
10 Ngunit si Jehova ay nalugod na siilin siya;+ pinagkasakit niya siya.+ Kung itatalaga mo ang kaniyang kaluluwa bilang handog ukol sa pagkakasala,+ makikita niya ang kaniyang supling,+ palalawigin niya ang kaniyang mga araw,+ at sa kaniyang kamay ay magtatagumpay ang kinalulugdan+ ni Jehova.+ 11 Dahil sa kabagabagan ng kaniyang kaluluwa ay makakakita siya,+ masisiyahan siya.+ Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ang matuwid, ang aking lingkod,+ ay magdadala ng matuwid na katayuan sa maraming tao;+ at ang kanilang mga kamalian ay kaniyang papasanin.+ 12 Sa dahilang iyan ay bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,+ at hahati-hatiin niya ang samsam kasama ng mga makapangyarihan,+ sa dahilang ibinuhos niya ang kaniyang kaluluwa hanggang sa mismong kamatayan,+ at ibinilang siyang kasama ng mga mananalansang;+ at kaniyang dinala ang kasalanan ng maraming tao,+ at para sa mga mananalansang ay namagitan siya.+
-
-
Daniel 9:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 “At pagkatapos ng animnapu’t dalawang sanlinggo ay kikitlin ang Mesiyas,+ na walang anumang bagay para sa kaniyang sarili.+
“At ang lunsod at ang dakong banal+ ay gigibain ng bayan ng isang lider na dumarating.+ At ang kawakasan nito ay sa pamamagitan ng baha. At hanggang sa kawakasan ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay mga pagkatiwangwang.+
-