Daniel
9 Nang unang taon ni Dario+ na anak ni Ahasuero na mula sa binhi ng mga Medo,+ na ginawang hari sa kaharian ng mga Caldeo;+ 2 nang unang taon ng kaniyang paghahari ay napag-unawa ko, akong si Daniel, sa pamamagitan ng mga aklat ang bilang ng mga taon na may kinalaman doon ay dumating kay Jeremias na propeta+ ang salita ni Jehova, na magaganap ang mga pagkawasak ng Jerusalem,+ samakatuwid ay pitumpung taon.+ 3 At itinalaga ko ang aking mukha+ kay Jehova na tunay na Diyos, upang hanapin siya sa pamamagitan ng panalangin+ at mga pamamanhik, na may pag-aayuno at telang-sako at abo.+ 4 At ako ay nagsimulang manalangin kay Jehova na aking Diyos at magtapat at magsabi:+
“Ah Jehova na tunay na Diyos, ang Isa na dakila+ at ang Isa na kakila-kilabot, na nag-iingat ng tipan+ at ng maibiging-kabaitan+ doon sa mga umiibig sa kaniya at doon sa mga nag-iingat ng kaniyang mga utos,+ 5 kami ay nagkasala+ at gumawa ng mali at gumawi nang may kabalakyutan at naghimagsik;+ at nagkaroon ng paglihis mula sa iyong mga utos at mula sa iyong mga hudisyal na pasiya.+ 6 At hindi kami nakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta,+ na nagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe at sa aming mga ninuno at sa buong bayan ng lupain.+ 7 Sa iyo, O Jehova, ay nauukol ang katuwiran, ngunit ang sa amin ay kahihiyan ng mukha gaya ng sa araw na ito,+ sa mga tao ng Juda at sa mga tumatahan sa Jerusalem at sa lahat niyaong nagmula sa Israel, yaong malalapit at yaong malalayo sa lahat ng mga lupain na doon ay ipinanabog mo sila dahil sa kanilang kawalang-katapatan na ginawa nila laban sa iyo.+
8 “O Jehova, sa amin ay nauukol ang kahihiyan ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe at sa aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami laban sa iyo.+ 9 Kay Jehova na aming Diyos ay nauukol ang kaawaan+ at ang mga pagpapatawad,+ sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya.+ 10 At hindi namin sinunod ang tinig ni Jehova na aming Diyos upang lumakad sa kaniyang mga kautusan na inilagay niya sa harap namin sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.+ 11 At lahat niyaong nagmula sa Israel ay lumabag sa iyong kautusan, at nagkaroon ng paglihis dahil sa hindi pagsunod sa iyong tinig,+ anupat ibinuhos mo sa amin ang sumpa at ang ipinanatang sumpa+ na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng tunay na Diyos, sapagkat nagkasala kami laban sa Kaniya. 12 At tinupad niya ang kaniyang mga salita na sinalita niya laban sa amin+ at laban sa aming mga hukom na humatol sa amin,+ sa pamamagitan ng pagpapasapit sa amin ng malaking kapahamakan, gaya ng hindi pa ginagawa sa silong ng buong langit gaya ng ginawa sa Jerusalem.+ 13 Kung ano ang nakasulat sa kautusan ni Moises,+ ang lahat ng kapahamakang ito—sumapit iyon sa amin,+ at hindi namin pinalambot ang mukha ni Jehova na aming Diyos sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aming kamalian+ at sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaunawaan sa iyong katapatan.+
14 “At si Jehova ay naging mapagbantay sa kapahamakan at nang maglaon ay pinasapit iyon sa amin,+ sapagkat si Jehova na aming Diyos ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na ginawa niya; at hindi namin sinunod ang kaniyang tinig.+
15 “At ngayon, O Jehova na aming Diyos, ikaw na naglabas sa iyong bayan mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng isang malakas na kamay+ at gumawa ng pangalan para sa iyong sarili gaya ng sa araw na ito,+ kami ay nagkasala,+ kami ay gumawi nang may kabalakyutan. 16 O Jehova, ayon sa lahat ng iyong mga gawang katuwiran,+ pakisuyo, mapawi nawa ang iyong galit at ang iyong pagngangalit mula sa iyong lunsod na Jerusalem, ang iyong banal na bundok;+ sapagkat, dahil sa aming mga kasalanan at dahil sa mga kamalian ng aming mga ninuno,+ ang Jerusalem at ang iyong bayan ay tampulan ng pandurusta ng lahat ng nasa palibot namin.+ 17 At ngayon ay pakinggan mo, O aming Diyos, ang panalangin ng iyong lingkod at ang kaniyang mga pamamanhik, at pasinagin mo ang iyong mukha+ sa iyong santuwaryo na nakatiwangwang,+ alang-alang kay Jehova. 18 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Diyos ko, at dinggin mo.+ Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang aming tiwangwang na kalagayan at ang lunsod na tinatawag sa iyong pangalan;+ sapagkat ang aming mga pamamanhik ay hindi namin pinararating sa harap mo ayon sa aming matuwid na mga gawa,+ kundi ayon sa iyong maraming kaawaan.+ 19 O Jehova, dinggin mo.+ O Jehova, magpatawad ka.+ O Jehova, magbigay-pansin ka at kumilos.+ Huwag kang magpaliban,+ alang-alang sa iyong sarili, O Diyos ko, sapagkat ang iyong sariling pangalan ay itinatawag sa iyong lunsod at sa iyong bayan.”+
20 Habang ako ay nagsasalita pa at nananalangin at nagtatapat ng aking kasalanan+ at ng kasalanan ng aking bayang Israel+ at nagpaparating ng aking paghiling ng lingap sa harap ni Jehova na aking Diyos may kinalaman sa banal na bundok+ ng aking Diyos, 21 at habang ako ay nagsasalita pa sa panalangin, aba, ang lalaking si Gabriel,+ na nakita ko sa pangitain sa pasimula,+ matapos manlupaypay sa pagod, ay dumating sa tabi ko sa panahon ng panggabing handog na kaloob.+ 22 At siya ay nagbigay ng unawa at nakipag-usap sa akin at nagsabi:
“O Daniel, ngayon ay lumabas ako upang pagkalooban ka ng kaunawaan na may pagkaunawa.+ 23 Sa pasimula ng iyong mga pamamanhik ay isang salita ang lumabas, at ako ay pumarito upang mag-ulat, sapagkat ikaw ay lubhang kalugud-lugod.+ Kaya pag-isipan+ mo ang bagay na iyon, at magkaroon ka ng unawa sa bagay na nakita.
24 “May pitumpung sanlinggo na itinalaga sa iyong bayan+ at sa iyong banal na lunsod,+ upang wakasan ang pagsalansang,+ at upang tapusin ang kasalanan,+ at upang magbayad-sala para sa kamalian,+ at upang magdala ng katuwiran sa mga panahong walang takda,+ at upang magtimbre ng tatak+ sa pangitain at propeta, at upang pahiran ang Banal ng Mga Banal.+ 25 At alamin mo at magkaroon ka ng kaunawaan na mula sa paglabas ng salita+ na isauli at muling itayo ang Jerusalem+ hanggang sa Mesiyas+ na Lider,+ magkakaroon ng pitong sanlinggo, gayundin ng animnapu’t dalawang sanlinggo.+ Siya ay babalik at muli ngang itatayo, na may liwasan at bambang, ngunit sa mga kaligaligan ng mga panahon.
26 “At pagkatapos ng animnapu’t dalawang sanlinggo ay kikitlin ang Mesiyas,+ na walang anumang bagay para sa kaniyang sarili.+
“At ang lunsod at ang dakong banal+ ay gigibain ng bayan ng isang lider na dumarating.+ At ang kawakasan nito ay sa pamamagitan ng baha. At hanggang sa kawakasan ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay mga pagkatiwangwang.+
27 “At pananatilihin niyang may bisa ang tipan+ para sa marami sa loob ng isang sanlinggo;+ at sa kalahati ng sanlinggo ay patitigilin niya ang hain at ang handog na kaloob.+
“At darating na nasa pakpak ng mga kasuklam-suklam na bagay yaong isa na sanhi ng pagkatiwangwang;+ at hanggang sa paglipol, ang mismong bagay na naipasiya ay mabubuhos din sa isa na nakatiwangwang.”+