-
Genesis 8:21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At sinamyo ni Jehova ang nakagiginhawang amoy,+ kaya naman sinabi ni Jehova sa kaniyang puso:+ “Hindi ko na muling susumpain ang lupa+ dahil sa tao, sapagkat ang hilig+ ng puso ng tao ay masama magmula sa kaniyang pagkabata;+ at hindi ko na muling sasaktan ang bawat bagay na buháy gaya ng aking ginawa.+
-
-
Deuteronomio 15:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Mag-ingat ka na baka isang imbing salita ang mapasaiyong puso,+ na nagsasabi, ‘Ang ikapitong taon, ang taon ng pagpapalaya, ay malapit na,’+ at ang iyong mata ay maging di-mapagbigay sa iyong dukhang kapatid,+ at wala kang ibigay sa kaniya, at tumawag siya kay Jehova laban sa iyo,+ at ito ay maging kasalanan sa ganang iyo.+
-