15 Nang makita iyon ng mga anak ni Israel, sila ay nagsimulang magsabi sa isa’t isa: “Ano ito?” Sapagkat hindi nila alam kung ano iyon. Kaya sinabi ni Moises sa kanila: “Ito ang tinapay na ibinigay ni Jehova sa inyo bilang pagkain.+
31 At pinasimulang tawagin ng sambahayan ng Israel ang pangalan niyaon na “manna.” At iyon ay maputi na tulad ng buto ng kulantro, at ang lasa niyaon ay tulad ng tinapay na lapad na may pulot-pukyutan.+
51 Ako ang tinapay na buháy na bumaba mula sa langit; kung ang sinuman ay kumain ng tinapay na ito siya ay mabubuhay magpakailanman; at, ang totoo, ang tinapay na ibibigay ko ay ang aking laman+ alang-alang sa buhay ng sanlibutan.”+
4 Naroon ang isang ginintuang insensaryo+ at ang kaban ng tipan+ na may kalupkop na ginto sa palibot,+ na kinalalagyan ng ginintuang banga na may manna+ at ng tungkod ni Aaron na nag-usbong+ at ng mga tapyas+ ng tipan;