Awit
Maskil. Ni Asap.+
78 Makinig ka, O bayan ko, sa aking kautusan;+
Ikiling ninyo ang inyong pandinig sa mga pananalita ng aking bibig.+
2 Ibubuka ko ang aking bibig sa isang kasabihan;+
Magpapabukal ako ng mga bugtong ng sinaunang panahon,+
3 Na ating narinig at nalalaman,+
At isinaysay sa atin ng ating mga ama;+
4 Na hindi natin itinatago mula sa kanilang mga anak,+
Na isinasaysay maging sa salinlahing darating,+
Ang mga papuri kay Jehova at ang kaniyang lakas+
At ang kaniyang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya.+
5 At nagbangon siya ng paalaala sa Jacob,+
At nagtakda siya ng kautusan sa Israel,+
Mga bagay na iniutos niya sa ating mga ninuno,+
Upang ipaalam ang mga iyon sa kanilang mga anak;+
6 Upang ang salinlahing darating, ang mga anak na ipanganganak, ay makaalam ng mga iyon,+
Upang sila ay tumindig at makapagsaysay ng mga iyon sa kanilang mga anak,+
7 At upang mailagak nila sa Diyos ang kanilang pagtitiwala+
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Diyos+ kundi tuparin nila ang kaniyang mga utos.+
8 At hindi sila dapat maging tulad ng kanilang mga ninuno,+
Isang salinlahing sutil at mapaghimagsik,+
Isang salinlahing hindi naghanda ng kanilang puso+
At ang kanilang espiritu ay hindi mapagkakatiwalaan may kinalaman sa Diyos.+
9 Ang mga anak ni Efraim, bagaman mga nasasandatahang mamamana ng busog,+
Ay umurong noong araw ng labanan.+
11 Sinimulan din nilang limutin ang kaniyang mga ginawa+
At ang kaniyang mga kamangha-manghang gawa na ipinakita niya sa kanila.+
13 Hinati niya ang dagat, upang mapatawid niya sila,+
At pinatigil niya ang tubig na tulad ng isang prinsa.+
14 At patuloy niya silang pinatnubayan sa araw sa pamamagitan ng ulap+
At sa buong gabi sa pamamagitan ng liwanag ng apoy.+
15 Biniyak niya ang mga bato sa ilang,+
Upang mapainom niya sila nang sagana na tulad ng sa matubig na mga kalaliman.+
16 At nagpabukal siya ng mga batis mula sa malaking bato+
At nagpadaloy ng tubig na tulad ng mga ilog.+
17 At patuloy pa rin silang nagkakasala laban sa kaniya+
Sa paghihimagsik laban sa Kataas-taasan sa pook na walang tubig;+
18 At sinubok nila ang Diyos sa kanilang puso+
Sa paghingi ng makakain ng kanilang kaluluwa.+
19 Kaya nagsimula silang magsalita laban sa Diyos.+
Sinabi nila: “Makapaghahanda ba ang Diyos ng isang mesa sa ilang?”+
20 Narito! Hinampas niya ang bato+
Upang umagos ang tubig at bumulwak ang mga bukal.+
“Makapagbibigay rin kaya siya ng tinapay,+
O makapaghahanda kaya siya ng panustos para sa kaniyang bayan?”+
21 Kaya naman narinig ni Jehova at nagsimula siyang mapoot;+
At nagningas ang apoy laban sa Jacob,+
At pumailanlang din ang galit laban sa Israel.+
23 At inutusan niya ang maulap na kalangitan sa itaas,
At binuksan niya ang mismong mga pinto ng langit.+
24 At patuloy siyang nagpaulan sa kanila ng manna upang makain,+
At ang butil ng langit ay ibinigay niya sa kanila.+
25 Kinain ng mga tao ang mismong tinapay ng mga makapangyarihan;+
Nagpadala siya sa kanila ng mga panustos hanggang sa kabusugan.+
26 Sinimulan niyang pabugsuin ang isang hanging silangan sa langit+
At pahihipin ang isang hanging timugan sa pamamagitan ng kaniyang sariling lakas.+
27 At nagpaulan siya ng panustos sa kanila na parang alabok,+
Maging ng mga may-pakpak na lumilipad na nilalang na parang mga butil ng buhangin sa mga dagat.+
28 At pinagbabagsak niya ang mga iyon sa gitna ng kaniyang kampo,+
Sa buong palibot ng kaniyang mga tabernakulo.+
29 At kumain sila at nagpakabusog nang lubha,+
At kung ano ang kanilang naisin ay dinadala niya sa kanila.+
31 Nang pumailanlang ang poot ng Diyos laban sa kanila.+
At pumatay siya sa matataba sa kanila;+
At ang mga kabataang lalaki ng Israel ay inilugmok niya.
32 Sa kabila ng lahat ng ito ay nagkasala pa rin sila+
At hindi sila nanampalataya sa kaniyang mga kamangha-manghang gawa.+
33 Kaya pinasapit niya sa kawakasan ang kanilang mga araw na para bang singaw lamang,+
At ang kanilang mga taon sa pamamagitan ng kabagabagan.
34 Sa tuwing papatayin niya sila, sila rin ay sumasangguni sa kaniya,+
At nanunumbalik sila at hinahanap nila ang Diyos.+
35 At naalaala nila na ang Diyos ay kanilang Bato,+
At na ang Diyos na Kataas-taasan ay kanilang Tagapaghiganti.+
36 At tinangka nilang linlangin siya ng kanilang bibig;+
At tinangka nilang magsinungaling sa kaniya ng kanilang dila.+
38 Ngunit siya ay maawain;+ tinatakpan niya ang kamalian+ at hindi sila nililipol.+
At maraming ulit niyang pinawi ang kaniyang galit,+
At hindi niya pinupukaw ang buo niyang pagngangalit.
41 At paulit-ulit nilang inilalagay ang Diyos sa pagsubok,+
At pinasakitan nila maging ang Banal ng Israel.+
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,+
Ang araw nang tubusin niya sila mula sa kalaban,+
43 Kung paanong inilagay niya ang kaniyang mga tanda sa Ehipto+
At ang kaniyang mga himala sa parang ng Zoan;+
44 At kung paanong ginawa niyang dugo ang kanilang mga kanal ng Nilo,+
Anupat hindi sila makainom mula sa kanilang mga batis.+
45 Nagsugo siya sa kanila ng mga langaw na nangangagat, upang lamunin sila ng mga ito;+
At ng mga palaka, upang pinsalain sila ng mga ito.+
47 Pinatay niya ang kanilang punong ubas sa pamamagitan nga ng graniso+
At ang kanilang mga puno ng sikomoro sa pamamagitan ng mga graniso.+
48 At ibinigay niya sa graniso ang kanilang mga hayop na pantrabaho+
At sa nag-aalab na lagnat ang kanilang mga alagang hayop.
49 Isinugo niya sa kanila ang kaniyang nag-aapoy na galit,+
Poot at pagtuligsa at kabagabagan,+
Mga inatasang anghel na nagdadala ng kapahamakan.+
50 Naghanda siya ng landas para sa kaniyang galit.+
Hindi niya pinigilan ang kanilang kaluluwa mula sa kamatayan;
At ang kanilang buhay ay ibinigay nga niya sa salot.+
51 Nang maglaon ay sinaktan niya ang lahat ng panganay sa Ehipto,+
Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak sa mga tolda ni Ham.+
52 Pagkatapos ay pinalisan niya ang kaniyang bayan na parang isang kawan,+
At ginabayan niya silang tulad ng isang kawan sa ilang.+
53 At pinatnubayan niya sila nang tiwasay, at hindi sila nakadama ng panghihilakbot;+
At tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.+
54 At dinala niya sila sa kaniyang banal na teritoryo,+
Sa bulubunduking pook na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.+
55 At nang maglaon ay pinalayas niya ang mga bansa dahil sa kanila,+
At sa pamamagitan ng pising panukat ay tinakdaan niya sila ng mana,+
Anupat pinatahan niya ang mga tribo ng Israel sa kanilang sariling mga tahanan.+
56 At pinasimulan nilang subukin at paghimagsikan ang Diyos na Kataas-taasan,+
At ang kaniyang mga paalaala ay hindi nila tinupad.+
57 Lagi rin silang tumatalikod at kumikilos nang may kataksilan na tulad ng kanilang mga ninuno;+
Pumihit silang gaya ng maluwag na busog.+
58 At patuloy nila siyang ginalit sa pamamagitan ng kanilang matataas na dako,+
At lagi nila siyang pinupukaw sa paninibugho sa kanilang mga nililok na imahen.+
60 At sa kalaunan ay pinabayaan niya ang tabernakulo ng Shilo,+
Ang tolda na tinahanan niya sa gitna ng mga makalupang tao.+
61 At ibinigay niya ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag+
At ang kaniyang kagandahan sa kamay ng kalaban.+
64 Kung tungkol sa kaniyang mga saserdote, sila ay nabuwal sa pamamagitan ng tabak,+
At ang kanilang mga babaing balo ay hindi nanangis.+
65 Pagkatapos ay gumising si Jehova na parang galing sa pagkakatulog,+
Tulad ng isang makapangyarihan na nahihimasmasan mula sa pagkalasing sa alak.+
66 At sinaktan niya ang kaniyang mga kalaban mula sa likuran;+
Binigyan niya sila ng kadustaan na mamamalagi nang walang takda.+
69 At sinimulan niyang itayo ang kaniyang santuwaryo na tulad ng mga kaitaasan,+
Tulad ng lupa na itinatag niya hanggang sa panahong walang takda.+