-
Deuteronomio 4:41-43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
41 Nang panahong iyon, nagbukod si Moises ng tatlong lunsod sa silangan ng Jordan.+ 42 Kung di-sinasadyang mapatay ng isang tao ang kapuwa niya at wala naman siyang galit dito,+ tatakbo siya sa isa sa mga lunsod na iyon para manatiling buháy.+ 43 Ito ang mga lunsod: ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas para sa mga Rubenita, ang Ramot+ sa Gilead para sa mga Gadita, at ang Golan+ sa Basan para sa mga Manasita.+
-