8 Sabihin mo ngayon sa lingkod kong si David, ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Kinuha kita mula sa mga pastulan, mula sa pag-aalaga ng kawan,+ para maging pinuno ng bayan kong Israel.+
12 Kapag nagwakas na ang buhay mo+ gaya ng iyong mga ninuno, gagawin kong hari na kahalili mo ang iyong supling,* ang sarili mong anak,* at gagawin kong matibay ang pagkakatatag ng kaharian niya.+
4 At tutuparin ni Jehova ang ipinangako niya tungkol sa akin: ‘Kung magiging palaisip ang mga anak mo sa pamumuhay nila at lalakad sila nang tapat sa daan ko nang kanilang buong puso at kaluluwa,+ sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa trono ng Israel.’+
5 itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa Israel at mananatili ito magpakailanman, gaya ng ipinangako ko sa iyong amang si David nang sabihin ko, ‘Sa angkan mo manggagaling ang lahat ng uupo sa trono ng Israel.’+