-
Mateo 21:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Pumasok si Jesus sa templo at pinalayas ang lahat ng nagtitinda at bumibili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.+ 13 At sinabi niya sa kanila: “Nasusulat, ‘Ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan,’+ pero ginagawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”+
-
-
Marcos 11:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Nakarating sila sa Jerusalem. Pumasok siya sa templo at pinalayas ang mga nagtitinda at bumibili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga tagapagpalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati,+ 16 at hindi niya pinayagan ang sinuman na may dalang kagamitan na gawing daanan ang templo. 17 Tinuruan niya sila. Sinabi niya: “Hindi ba nasusulat, ‘Ang bahay ko ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng bansa’?+ Pero ginawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”+
-
-
Juan 2:13-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Ang Paskuwa+ ng mga Judio ay malapit na, at pumunta si Jesus sa Jerusalem. 14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng baka, tupa, at kalapati,+ pati na ang nakaupong mga nagpapalit ng pera. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit na lubid at pinalayas sa templo ang lahat ng nagtitinda ng tupa at baka, at ibinuhos niya ang mga barya ng mga nagpapalit ng pera at itinaob ang mga mesa nila.+ 16 Sinabi niya sa mga nagtitinda ng kalapati: “Alisin ninyo rito ang mga iyan! Huwag na ninyong gawing lugar ng negosyo* ang bahay ng aking Ama!”+ 17 Naalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat: “Mag-aalab ang sigasig ko para sa iyong bahay.”+
-