-
Ezekiel 21:26, 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 Ito ang sinabi ng Kataas-taasang* Panginoong Jehova: ‘Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona.+ Hindi na ito magiging gaya ng dati.+ Itaas mo ang mababa,+ at ibaba mo ang mataas.+ 27 Kagibaan, kagibaan, gagawin ko iyon na isang kagibaan. At walang sinumang magmamay-ari doon hanggang sa dumating ang isa na may legal na karapatan,+ at ibibigay ko iyon sa kaniya.’+
-
-
Daniel 7:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 “Pagkatapos, may nakita pa ako sa mga pangitain ko noong gabi. Dumarating ang isang gaya ng anak ng tao+ na kasama ng mga ulap sa langit; at pinayagan siyang lumapit sa Sinauna sa mga Araw,+ at dinala nila siya sa harap Niya. 14 At binigyan siya ng awtoridad na mamahala,+ ng karangalan,+ at ng isang kaharian, para paglingkuran siya ng lahat ng bayan at bansa na iba’t iba ang wika.+ Ang pamamahala niya ay walang hanggan—hindi ito magwawakas, at hindi mawawasak ang kaharian niya.+
-