-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Diyos na Jehova: Gaya ng binanggit sa study note sa Luc 1:6, sa unang dalawang kabanata ng ulat ni Lucas, maraming mababasang pagsipi at kahawig na pananalita at ekspresyon sa Hebreong Kasulatan kung saan lumitaw ang pangalan ng Diyos. Ang sinabi ng anghel tungkol sa trono ni David ay kahawig ng pangako sa 2Sa 7:12, 13, 16, kung saan kinakausap ni Jehova si David sa pamamagitan ni propeta Natan at kung saan lumitaw ang Tetragrammaton nang ilang ulit sa konteksto. (2Sa 7:4-16) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang ekspresyon na isinalin ditong “Diyos na Jehova” at ang katulad na mga kombinasyon nito ay kadalasan nang lumilitaw sa mga pagsipi mula sa Hebreong Kasulatan o sa mga teksto na kahawig ng istilo ng wikang Hebreo.—Tingnan ang study note sa Luc 1:16 at introduksiyon sa Ap. C3; Luc 1:32.
-