-
Lucas 19:43, 44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 Dahil darating ang araw na ang mga kaaway mo ay magtatayo sa paligid mo ng kutang may matutulis na tulos, at papalibutan ka nila at lulusubin* mula sa lahat ng panig.+ 44 Ikaw at ang mga naninirahan* sa loob mo ay dudurugin,+ at wala silang ititira sa iyo na magkapatong na bato,+ dahil hindi ka nagbigay-pansin sa panahon ng pagsisiyasat sa iyo.”
-