-
Marcos 4:37-41Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 Biglang nagkaroon ng malakas na buhawi, at paulit-ulit na hinahampas ng mga alon ang bangka, kaya halos lumubog na ito.+ 38 Pero nasa bandang likuran ng bangka si Jesus at natutulog sa unan. Kaya ginising nila siya at sinabi sa kaniya: “Guro, bale-wala lang ba sa iyo na mamamatay na tayo?” 39 Kaya bumangon siya at sinaway ang hangin at sinabi sa lawa: “Tigil! Tumahimik ka!”+ At tumigil ang hangin, at biglang naging kalmado ang paligid.+ 40 Kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit takot na takot kayo? Wala pa rin ba kayong pananampalataya?” 41 At kakaibang takot ang nadama nila, at sinabi nila sa isa’t isa: “Sino ba talaga siya? Kahit ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kaniya.”+
-
-
Lucas 8:23-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Pero habang naglalayag sila, nakatulog siya. At nagkaroon ng isang malakas na buhawi sa lawa; pinapasok na ng tubig ang kanilang bangka at malapit nang lumubog.+ 24 Kaya nilapitan nila siya para gisingin at sinabi: “Guro, Guro, mamamatay na tayo!” Dahil dito ay bumangon siya at sinaway ang hangin at ang malalakas na alon, at humupa ang mga iyon, at biglang naging kalmado ang paligid.+ 25 Pagkatapos, sinabi niya: “Nasaan ang inyong pananampalataya?” Pero natakot sila nang husto at namangha, at sinabi nila sa isa’t isa: “Sino ba talaga siya? Kahit ang hangin at tubig ay inuutusan niya, at sumusunod ang mga ito.”+
-