-
Mga Study Note sa Lucas—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
malakas na buhawi: Ang ekspresyong ito ay ipinanumbas sa dalawang salitang Griego na puwedeng literal na isaling “bagyong-hangin.” (Tingnan ang study note sa Mar 4:37.) Karaniwan lang ang malalakas na bagyo sa Lawa ng Galilea. Mga 210 m (690 ft) ang baba nito mula sa lebel ng dagat, at mas mainit ang hangin sa dagat kumpara sa nakapalibot na mga talampas at bundok. Dahil diyan, nagkakaroon ng pagbabago sa atmospera at nabubuo ang malakas na hangin na pinagmumulan ng malalaking alon.
-