-
Mateo 8:28, 29Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 Nang makarating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo ang sumalubong sa kaniya. Galing sila sa mga libingan,+ at napakabangis nila kaya walang naglalakas-loob na dumaan doon. 29 At sumigaw sila: “Bakit nandito ka, Anak ng Diyos?+ Pumunta ka ba rito para parusahan kami+ bago ang takdang panahon?”+
-
-
Marcos 5:2-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 At pagkababang-pagkababa ni Jesus ng bangka, isang lalaking sinasapian ng masamang* espiritu ang sumalubong sa kaniya mula sa mga libingan. 3 Nakatira siya sa mga libingan; at kapag iginagapos siya, palagi siyang nakakawala, kahit kadena pa ang gamitin. 4 Madalas ikadena ang mga paa at kamay niya, pero nilalagot at dinudurog niya ang mga ito. Walang sinuman ang makapigil sa kaniya. 5 Araw at gabi, sumisigaw siya sa mga libingan at sa mga bundok at hinihiwa ang sarili niya ng bato. 6 Pero nang makita niya si Jesus mula sa malayo, tumakbo siya at yumukod sa kaniya.+ 7 At sumigaw siya nang malakas: “Bakit nandito ka, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Sumumpa ka sa Diyos na hindi mo ako pahihirapan.”+ 8 Sumigaw siya nang ganiyan dahil sinasabi sa kaniya ni Jesus: “Masamang espiritu, lumabas ka mula sa taong iyan.”+ 9 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang pangalan mo?” Sumagot ito: “Ang pangalan ko ay Hukbo, dahil marami kami.” 10 At paulit-ulit siyang nakiusap kay Jesus na huwag palayasin ang mga espiritu mula sa lupain.+
-