-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lupain ng mga Gadareno: Ang rehiyon sa kabilang (sa silangang) baybayin ng Lawa ng Galilea. Posibleng ito ang rehiyon mula sa lawa hanggang sa Gadara, na 10 km (6 mi) mula sa lawa. Ang konklusyong iyan ay sinusuportahan ng mga barya na nagmula sa Gadara, dahil kadalasan nang may nakalarawang barko sa mga baryang iyon. Sinabi naman nina Marcos at Lucas na sa “lupain ng mga Geraseno” nagpunta si Jesus. (Tingnan ang study note sa Mar 5:1.) Malamang na nagpapang-abot ang mga hangganan ng dalawang lupaing ito.—Tingnan ang Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea,” at Ap. B10.
dalawang: Sa mga ulat sa Marcos (5:2) at Lucas (8:27), isa lang ang binanggit na lalaking sinapian ng demonyo.—Tingnan ang study note sa Mar 5:2.
libingan: O “alaalang libingan.” (Tingnan sa Glosari, “Alaalang libingan.”) Malamang na ang mga libingang ito ay mga kuweba o mga uka sa malalaking bato at karaniwan nang nasa labas ng lunsod. Iniiwasan ng mga Judio ang mga libingang ito para hindi sila maging marumi ayon sa Kautusan. Kaya madalas itong puntahan ng mga baliw o sinasapian ng demonyo.
-