-
Levitico 6:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Kung nagkasala siya, dapat niyang ibalik ang ninakaw niya, ang kinikil niya, ang kinuha niya nang may pandaraya, ang ipinagkatiwala sa kaniya, o ang nakita niyang nawawalang bagay, 5 o ang anumang bagay na may kinalaman doon ay nanumpa siya nang may kasinungalingan; dapat niyang ibalik ang buong halaga nito+ at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito. Ibibigay niya iyon sa may-ari sa araw na mapatunayang nagkasala siya.
-
-
Lucas 3:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Pumunta rin sa kaniya ang mga maniningil ng buwis para magpabautismo,+ at sinabi nila: “Guro, ano ang dapat naming gawin?” 13 Sumagot siya: “Huwag kayong mangolekta nang higit sa dapat singiling buwis.”+ 14 Nagtatanong din sa kaniya ang mga naglilingkod sa militar: “Ano ang dapat naming gawin?” At sumasagot siya: “Huwag kayong mangikil* o mag-akusa ng di-totoo,+ kundi masiyahan kayo sa inyong suweldo.”
-