18 “Ang espiritu ni Jehova ay sumasaakin dahil inatasan* niya ako na maghayag ng mabuting balita sa mahihirap. Isinugo niya ako para ihayag ang paglaya ng mga bihag at paggaling ng mga bulag, at para palayain ang mga naaapi,+
14 Hindi ninyo dapat maging* panginoon ang kasalanan, dahil wala na kayo sa ilalim ng kautusan+ kundi nasa ilalim na kayo ng walang-kapantay* na kabaitan.+
22 Pero ngayong pinalaya na kayo mula sa kasalanan at naging alipin ng Diyos, ang bunga ng mga gawa ninyo ay kabanalan,+ at umaakay ito sa buhay na walang hanggan.+
25 Pero ang tumitingin sa perpektong kautusan+ na umaakay sa kalayaan at patuloy na sumusunod dito ay hindi isang malilimuting tagapakinig, kundi isang tagatupad ng gawain; at magiging maligaya siya sa ginagawa niya.+