49 At ipadadala ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama. Pero manatili muna kayo sa lunsod hanggang sa matanggap ninyo ang* kapangyarihan mula sa kaitaasan.”+
26 Kapag dumating ang katulong na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama, ang espiritu ng katotohanan+ na nanggagaling sa Ama, ang isang iyon ay magpapatotoo tungkol sa akin;+
7 Gayunman, sinasabi ko sa inyo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko. Dahil kung hindi ako aalis, ang katulong+ ay hindi darating sa inyo; pero kung aalis ako, ipadadala ko siya sa inyo.
26 Gayundin, tinutulungan tayo ng espiritu kapag nanghihina tayo;+ dahil may mga pagkakataon na hindi natin alam ang sasabihin kapag kailangan nating manalangin, pero ang espiritu mismo ang nakikiusap para sa atin kapag hindi natin mabigkas ang mga daing natin.