-
Gawa 15:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Pagkatapos ng mahaba at mainitang pag-uusap, tumayo si Pedro at nagsabi: “Mga kapatid, alam na alam ninyo na ako ang pinili noon ng Diyos sa gitna natin para sabihin sa mga tao ng ibang mga bansa ang salita ng mabuting balita, at sa gayon ay maniwala sila.+ 8 At pinatotohanan ito ng Diyos, na nakababasa ng puso,+ sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng banal na espiritu,+ gaya rin ng ginawa niya sa atin. 9 At pantay ang tingin niya sa atin at sa kanila,+ at dinalisay niya ang mga puso nila dahil sa kanilang pananampalataya.+
-