-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi nagtatangi: Ang pariralang Griego na “hindi nagtatangi” ay puwedeng literal na isaling “hindi kumukuha (tumatanggap) ng mukha.” Ang Diyos, na hindi nagtatangi, ay hindi humahatol batay sa panlabas na hitsura—hindi niya pinapaboran ang mga tao dahil sa lahi, nasyonalidad, katayuan sa lipunan, o iba pa. Para matularan ang Diyos na hindi nagtatangi, ang isa ay hindi dapat humatol ayon lang sa nakikita niya; dapat niyang isaalang-alang ang pagkatao at mga katangian ng kapuwa niya, partikular na ang mga katangiang gaya ng sa ating di-nagtatanging Maylalang.
-