Jeremias
1 Ito ang mga salita ni Jeremias* na anak ni Hilkias, isa sa mga saserdote sa Anatot+ sa lupain ng Benjamin. 2 Dumating sa kaniya ang salita ni Jehova noong panahon ng hari ng Juda na si Josias,+ na anak ni Amon,+ nang ika-13 taon ng paghahari nito. 3 Dumating din ito noong panahon ng anak ni Josias na si Jehoiakim,+ na hari ng Juda, hanggang sa pagtatapos ng ika-11 taon ng anak ni Josias na si Zedekias,+ na hari ng Juda, hanggang sa ipatapon ang Jerusalem nang ikalimang buwan.+
4 Dumating sa akin ang salita ni Jehova. Sinabi niya:
Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”
6 Pero sinabi ko: “O Kataas-taasang* Panginoong Jehova!
Hindi ako marunong magsalita,+ dahil bata pa ako.”+
7 At sinabi ni Jehova sa akin:
“Huwag mong sabihing ‘Bata pa ako.’
Dahil magpupunta ka sa lahat ng pagsusuguan ko sa iyo,
At dapat mong sabihin ang lahat ng iuutos ko sa iyo.+
9 Pagkatapos, iniunat ni Jehova ang kamay niya at hinipo ang bibig ko.+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Inilagay ko ang mga salita ko sa bibig mo.+ 10 Tingnan mo, inatasan kita sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, para bumunot at magbagsak, para mangwasak at manggiba, para magtayo at magtanim.”+
11 Ang salita ni Jehova ay muling dumating sa akin. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” Sinabi ko: “May nakikita akong sanga ng punong almendras.”*
12 Sinabi ni Jehova sa akin: “Tama ang nakikita mo, dahil nananatili akong gisíng para tuparin ang salita ko.”
13 Ang salita ni Jehova ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon. Sinabi niya: “Ano ang nakikita mo?” Sinabi ko: “May nakikita akong lutuan* na kumukulo ang laman.* At nakatagilid ang bibig nito palayo sa hilaga.” 14 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin:
“Mula sa hilaga ay darating ang kapahamakan
Laban sa lahat ng nakatira sa lupain.+
15 Dahil ‘tatawagin ko ang lahat ng pamilya ng mga kaharian sa hilaga,’ ang sabi ni Jehova,+
‘At darating sila; ang bawat isa sa kanila ay maglalagay ng kani-kaniyang trono
Sa pasukan ng mga pintuang-daan ng Jerusalem,+
At sasalakayin nila ang lahat ng pader niya sa palibot
At ang lahat ng lunsod ng Juda.+
16 At ihahayag ko ang mga hatol ko sa kanila dahil sa lahat ng kasamaan nila,
Dahil iniwan nila ako,+
At gumagawa sila ng haing usok sa ibang diyos+
At yumuyukod sa mga gawa ng sarili nilang mga kamay.’+
17 Pero ihanda mo ang sarili mo,*
At tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iuutos ko sa iyo.
Huwag kang matakot sa kanila,+
Para hindi kita takutin sa harap nila.