Mga Awit
Sa direktor; sa Jedutun.*+ Awit ni David.
Lalagyan ko ng busal ang aking bibig+
Hangga’t may masasamang tao sa paligid ko.”
2 Nanahimik ako at hindi kumibo;+
Nanatili akong tahimik kahit sa mga bagay na mabuti,
Pero matindi* ang nadarama kong kirot.
Habang nagbubulay-bulay* ako, patuloy na lumalagablab ang apoy.
Pagkatapos, sinabi ko:
4 “O Jehova, tulungan mo akong malaman ang magiging wakas ko,
At ang bilang ng mga araw ko,+
Para malaman ko kung gaano kaikli ang buhay ko.*
Bawat tao, kahit mukhang matatag, ay gaya lang ng isang hininga.+ (Selah)
6 Talagang ang bawat tao ay lumalakad na gaya ng anino.*
Nagpapakaabala siya* para sa wala.
Nag-iimbak siya ng kayamanan, pero hindi niya alam kung sino ang makikinabang dito.+
7 Ano ngayon ang maaasahan ko, O Jehova?
Ikaw lang ang pag-asa ko.
8 Iligtas mo ako sa lahat ng kasalanan ko.+
Huwag mong hayaang hamakin ako ng mangmang.
9 Nanatili akong walang imik;
Hindi ko maibuka ang bibig ko,+
Dahil ikaw ang may gawa ng lahat ng ito.+
10 Alisin mo ang salot na ipinasapit mo sa akin.
Nanghihina na ako sa mga hampas ng kamay mo.
11 Pinaparusahan mo ang tao para ituwid siya sa pagkakamali niya;+
Inuubos mo ang mga bagay na mahalaga sa kaniya gaya ng ginagawa ng isang insekto.*
Talagang ang bawat tao ay gaya lang ng isang hininga.+ (Selah)
Huwag mong bale-walain ang mga luha ko.
Dahil sa paningin mo, isa lang akong dayuhang nakikipanirahan,+
Isang manlalakbay na dumadaan,* gaya ng lahat ng ninuno ko.+
13 Alisin mo sa akin ang matalim mong tingin para sumaya ako
Bago ako mamatay at maglaho.”